Chapter 39

2K 43 0
                                    

Ethan Alvaro's POV




Napatingin ako sa paligid at tahimik lang. Walang tao kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto niya at pinindot ang passcode.




*Click!*




Napangiti ako ng magbukas ang pinto kaya agad akong pumasok sa loob.




Sobrang linis at kahit siguro langaw mahihiya pumasok dito. Kung ikukumpara to sa condo ko na halos wala ka na mapwestuhan sa sobrang daming kalat mas gugustuhin ko talaga matulog dito sa kanya.





Napahiga ako sa couch at huminga ng malalim. Ang bango ng pad niya.





"Anong ginagawa mo dito?" naiinis niyang tanung kaya napatingin ako sa orasan.





"Ang aga mo ata umuwi? 1PM palang ah?" sabe ko pero tiningnan lang niya ako.





"Harper sorry." sabe ko kaya huminga siya ng malalim at ngumiti kaya tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.





Namiss ko siya. Ang bunso namen ni Victoria. Ako kase ang Kuya sa aming tatlo, pangalawa si Vic at baby namen si Harper. Magkakasabay kameng lumaki at dahil wala kameng mga kapatid, kame na ang tumayong kapatid ng isa't isa.





"I miss you." sabe niya kaya tiningnan ko siya "Pero bakit ang aga mo umuwi?" tanung ko kaya pilit lang siya ngumiti.





"May lakad kame ni Kyler." sabe niya at humiwalay na saken "Pupunta kameng Subic for two days. Matapos ng nangyare tingin ko kailangan ko muna magpahinga kahit saglit."





"Harp. Diba sabe ko sayo na wala akong tiwala sa kanya? Ayoko sa lalaking yun! Alam mo namang lapitin ka ng disgrasya tapos sasama ka pa sa lalaking mukhang kahit sarili niya hindi kaya ipagtanggol." sabe ko kaya nainis siya.





"Sino gusto mo samahan ko? Si Phoenix? Para ano? Lokohin ulit niya ako?"





"Atleast si Phoenix handa pumatay para sayo." sabe ko.





Sasama siya sa lalaking mukhang walang ibang alam kundi magpapogi! Baka kahit kumasa ng baril hindi niya alam.





"Atleast si Kyler matino at hindi manloloko. Pag kasama ko siya walang ibang mangyayare saken! Hindi kagaya pag si Phoenix kahit saan ako lumingon, napapahamak ako!" sigaw niya kaya nainis din ako.





"Hindi ginusto ni Nix na mapahamak ka!" sigaw ko.





"Hindi niya nga ginusto pero palageng nangyayare! Nakakapagod na Ethan na palagi nalang ganun! Pag kame ang magkasama lageng nalang may masamang nangyayare! Alam kong kaya niya ako iligtas at sigurado ako na gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ako. Kahit sino isasalba niya. Ikaw, ako at lahat ng tao sa paligid niya handa niya isalba pero paano pag ang sarili niya ang hindi niya nagawang iligtas?"





Nagulat ako ng bigla siyang maiyak.




"Paano kung may mangyareng masama sa kanya at kahit ako hindi ko siya magawang buhayin? Kahit gustuhin ko mang mahalin ulit at tanggapin sa buhay ko si Nix natatakot ako! Natatakot ako na baka mawala na lang siya bigla gaya ng dati at hindi na tuluyang bumalik." huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha niya "Kung sinasabe mo na hindi ako kaya iligtas ni Kyler, ayos lang saken. Wala akong pake kung hindi niya kaya magpaputok ng baril at sumaksak ng tao para lang protektahan ako. Ang mahalaga saken hindi niya ako iiwan. Sa ngayon kase yun lang ang kailangan ko." sabe niya at pumasok na sa kwarto niya kaya napaupo nalang ako sa couch.





"Wala akong pake Harper! Ayoko pa din sumama ka sa kanya!" naiinis kong sabe at narinig kong may malakas na kumalabog sa loob ng kwarto niya.





"PUPUNTA PA RIN AKO! WALANG AKONG PAKE SA INYO NG KAIBIGAN MONG MANLOLOKO! UMALIS KANA! GALIT NA ULIT AKO SAYO!!!!" sigaw niya kaya natawa ako.





"Oo na! Oo na aalis na ko!" sabe ko at lumabas nalang ako palabas ng pad niya.





Malaki na ang bunso mo Ethan, kaya na niya magdesisyon para sa sarili niya sa paraan na tingin niya hindi siya masasaktan.





Siya naman ang nasasaktan at nakakaramdaman kaya wala akong karapatan para kontrahin siya.

Secret MissionWhere stories live. Discover now