Napaayos ako nang pagkakaupo nang maramdaman ang pagdahan-dahan ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng isa sa matatayog na gusali sa lugar na puro gusali ang makikita. Mas malaki at mas maliwanag ito kaysa sa mall na pinagdalhan ni Patrick Only sa akin dati kaya lang ay mas kaunti ang mga tao na lumalabas at pumapasok dito.


Umikot ang kotse namin sa gilid ng mall. Nagbayad si Just Lander sa babaeng humaharang sa mga kotse at pagkatapos ay pumarada na kami katabi ng iba pang magagandang sasakyan na nakaparada sa loob. Nakarinig ako ng mahinang tunog sa pinto ni Just Lander kaya napabaling ako sa kanya. Pinatay niya na pala ang makita. Mukhang dito na nga sa lugar na ito ang sadya namin. Bigla tuloy akong nanabik. Mukhang ipapasyal ako rito ni Just Lander, ah!


"Dito ka lang," sabi niya sabay baba niya ng sasakyan. Sinilip niya pa ako sa bintana ng kotse. "Wag kang aalis diyan."


Nalungkot ang mukha ko. "Hindi ako bababa?"


Tiningnanniya lang ako na tila sinasabi na wag akong makulit. Habol-habol ko na langtuloy siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. 


Hay naku! Akala ko pa naman ay ipapasyal nya ako. Gusto ko pa naman makakita ulit ng elevator.


Ang tagal din niyang nawala, nang bumalik siya ay may bitbit na siyang mga paper bags kung tawagin. Ganito rin iyong mga paper bags na dala namin ni Patrick Only noong isinama at ipinamili niya ako sa mall. Marami iyon at lahat ay halatang may laman.


Nagpatuloy sya sa pagmamaneho. Ilang beses ko syang sinusulyapan pero wala pa rin akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Baka kasi mamaya ay baka magalit pa sya.


Hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Siguro sa sobrang pagod sa byahe ay bumigay na ang katawan ko. Kung hindi niya pa ako gisingin ay baka nagtuloy-tuloy na ang tulog ko.


Inabutan niya ako ng pagkain na nasa paper bag na kulay lupa. "Kumain ka muna."


Kinuha ko naman iyon dahil kanina pa ako gutom. Lalo pa akong nagutom nang maamoy ko ang pagkain sa loob. Tinapay iyon na may hotdog sa gitna na madalas ng iluto ni Lola Peach sa akin nang mga nakaraang araw. Mas mukha lang masarap ang pagkaing ito dahil meron pa itong malapot na kulay pula at dilaw sa ibabaw. Lalantakan ko na sana ang pagkain nang matigilan ako.


Ngayon ko lang napansin ang paligid. Madilim na? Gabi na? Kung ganoon ay mukhang malayo pa ulit ang byinahe namin dahil hapon lang kami umalis sa pinuntahan namin kanina.


Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong nang makakuha ako ng lakas ng loob. "Just Lander, nasaan na tayo?" Sinilip ko pa ang labas ng sasakyan mula sa katabi kong bintana. "Bakit may mga bituin na?"


"Wag ka na magtanong. Kumain ka na lang," pagkasabi niya'y bumaba siya ng sasakyan.


Ano ba talagang nangyayari? Saan nya ba ako dadalhin? Nasasabik tuloy ako. Pakiramdam ko kasi ay may surpresa sya sa akin. Sa isiping iyon ay magana kong kinain ang pagkain.


Pagkatapos ko, minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Just Lander. Ipinagpatuloy nya muli ang pagmamaneho nang hindi tumitingin sa akin.

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now