"And of course just a powder and pink lipstick." Saad ng make up artist niyang si Angel.

Marahan siyang tumango at ngumiti.

"Nako, dapat dito kay Therine trinatry din ang dark lipstick! Tapos big curls sa hair. Yung sexy tignan!" Litanya ni Rica habang pinapanood siyang nilalagyan ng powder ni Angel.

"Asa pa tayo! Kahit ata magpustahan tayo dito hinding-hindi mangyayari yan." Iling ni Rissa na siyang photographer sa kanyang team.

Nginitihan niya ang mga ito mula sa salamin. Bakit nga ba kumpleto ang mga ito ngayon dito sa Crescent at siya na naman ang napiling puntiryahin?

"Mala-prinsesa sa royal family itong boss natin kaya huwag na kayong magtaka!" Saad naman ni Dianne habang umuupo sa gitna ni Rica at Rissa. "Prim and proper ganerns."

"Ayan tapos na." Pumapalakpak si Angel bago iniligpit ang mga gamit.

Marahan siyang tumayo at tinignan ang sarili sa salamin.

"Bagay na bagay sayo yang kulay at tela ng dress. So classy and elegant." Kumento ni Rica.

"Thank you." She said gently. Her hair is falling naturally while the black dress that reach above her knees gives her this simple yet classy and elegant look.(Therines look on the picture-->)

"Picture dali!" Pag-aaya ni Rissa habang hawak ang cellphone nito.

"Naku, sayang talaga at may trabahong kailangan tapusin kundi pupunta talaga ako sa premiere night. Sayang din iyong mga gwapong artista na dadalo!" Litanya ulit ni Rica/Rico.

"Next time Rica." She smiled assuringly.

"Oo nga, may next time pa kaya manahimik ka diyan Rico!" Saway ni Dianne.

"Stop calling me Rico, Dianne! You're so gross!" Saway nito.

May kumatok sa pinto kaya napalingon silang lahat doon. Pagkabukas ay bumungad sa kanila si Lina.

"Ma'am? Andito na po si sir Rye." Medyo energetic nitong sabi. "Should I send him in?"

Sunod sunod ang naging tikhiman ng mga tao sa loob ng silid. Naaaliw niyang pinagmasdan ang mga ito. Mas lalo na si Rica na medyo napa-oa na.

"Uhem!" Rica said exaggerately. "Date mo pala si gwapong model huh? Papasukin mo na Lina! Ora mismo!"

"Girl kamusta ang face ko? Haggard ba?"

"Magpapicture tayo dali! Hindi araw-araw eh nasisilayan natin ang kagwapuhan ni Rye!"

Bumukas muli ang pinto kaya natahimik na ang mga kasama niya. Naunang pumasok si Lina na parang kinikilig, sa likod nito ay si Rye na may dala pang bouquet ng white roses.

Narinig niya ang impit na tili ng mga staff niya.

"Hi everyone." Bati nito sabay ngiti. Ngiti na nakapagpatili kina Rica at ang mga girls.

She chuckled lightly habang pinapanood ang mga staff niyang kiligin sa ngiti ni Rye.

"Hello sir!" Masiglang bati nila.

Binalingan niya si Rye, nakangiti parin ito habang lumalapit sa kanya.

"For you."

Tinanggap niya ang bulaklak. "Thank you." She uttered gently as she give him a sweet smile. Binaling niya ang pansin sa kumpol ng mga puting rosas at inamoy iyon.

"You look great."

Nag-angat siya ng tingin. "So do you." Ngiti niya. She appreciate the flowers.

Worth The Risk (Bachelorette Series 4)Where stories live. Discover now