Chapter 4

19.2K 453 12
                                    

Chapter Four

"Viral na viral itong picture mo sa instagram account ni Rye! Tsaka ang ganda ganda mo dito o, you look like an angel. Ang amo amo talaga ng mukha mo kahit kelan." Rica said as he make himself busy with his phone.

Mula sa pagchecheck ng mga damit na nasa rack ay liningon niya ito na prenteng nakaupo sa sofa. She sighed. "Hindi parin ba tapos 'yang issue na 'yan?" Mahinahong tanong niya. Ilang araw na rin kasing usap-usapan sa internet ang tungkol sa picture niya.

"Hindi pa. Viral parin nga hanggang ngayon. Nung una hindi ka nakilala kaso may nagcomment na ikaw yung designer at may-ari ng clothing line na Crescent. Kaya ayun, curious na curious ang lahat."

"I told him to delete it. Pero ayaw niya eh." Binalik niya ang pansin sa mga damit na fina-final check niya. Ready for display na kasi ang mga ito sa baba ng building kung saan located ang main branch ng Crescent.

"May article  pa nga na baka special ka daw talaga sa buhay ni Rye dahil ikaw ang kauna-unahang babae na pinost niya sa instagram account niya na hindi relatives. I mean, nagpopost siya ng picture with Ianna but you see she is his cousin. May picture din with his mom and still she's a family. He never posted pictures of the girls he dated. Ikaw lang talaga yung nandito."

She sighed. "I told you we're not dating. We're friends. That's all."

Kaya nga nahihiya na siya eh. Bukod sa pinag-uusapan na sila ay kung anu-ano na rin ang ina-assume ng mga tao. Pati sa parents niya ay nakarating na ang balita. Kung bakit kasi ang kulit kulit ni Rye.

Nag-ring ang kanyang phone kaya agad niyang chineck kung sino ang tumatawag. She sighed when the screen flashed Rye's name. "I have to take this call, sa office lang ako Rica. Ready for display na 'tong mga na-final check ko."

Lumabas siya ng work room at dumiretso sa kanyang opisina.

Good afternoon.  Bungad nito.

"Good afternoon too." Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at naupo.

Where are you?

"Dito sa Crescent."

I heard from Erin na a-attend ka sa premiere night ng movie niya mamayang gabi.

"Yes. Why?" Sumandal siya sa kanyang upuan. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapang ito.

May date ka na ba? We can go together.

Sinasabi na nga ba niya. "Rye, people will talk some more if they saw us together." Mahinahon niyang paliwanag.

He sighed on the other line. Then let's tell them that we're friends. Para malinaw na natin lahat. What do you think?

"Why do I have this feeling that even when I say no, you'll still come and fetch me?"

He chuckled. Exactly. That's why you can't say no.

Naiimagine na niya ang ngisi nito. "Okay." Wala na siyang magagawa pa. Rye is just so persistent.

Okay, I'll pick you up at seven. Sa condo mo ba? Halatang halata ang tuwa sa boses nito.

"No. Dito na ko sa Crescent magbibihis. You can fetch me here."

Okay then. I'll see you... damn! I can't wait to see  you.

"JUST leave my hair as it is." She said politely to Dianne. Ang hair stylist ng kanyang team tuwing may runway show ang Crescent.

Tumango ito.

Worth The Risk (Bachelorette Series 4)Where stories live. Discover now