EDUCATION
Cipriano University
Class of 2013
Colegio de San Juan de Letran
Class of 2011
BASIC INFO
Male
Interested in Woman
Birthday November 25, 1996
In a relationship with Donna Fuentabella
Medyo nashocked ako sa nakita kong In a relationship with Donna Fuentabella. Hayy nako! Parang noon lang niya sinabing single siya tapos ngayon may jowa na kaagad siya. Nai-add ko na lang siya as friend. Habang tumitingin ako ng newsfeed bigla na lang may lumabas na notification sa timeline ko. Naalala ko. Hindi nga pala ako naga-add ng hindi ko kilala pero bakit ko siya nai-add?
Christian Antonio De Silva accepted your friend request.
Ilang buwan kaya sila nung Donna Fuentabella? Hindi ko talaga siya kilala. And for sure hindi niya rin ako kilala. Parang may hawig siya kay Chelsea. Baka kumakabit din siya sa ibang lalake? HAHAHA! Kelan kaya sila magbe-break? Sana mamaya na lang o kaya bukas. Or kung pwede ngayon na. Ang sama ko masyado.
Tiningnan ko ang chatbox ko para malaman kung sino sa mga friends ko ang online. Napansin ko rin na 70% ng nasa chatbox ko na online ay puro lalake. At isa na dun si Christian. Medyo nabobored na din ako. Gusto ko ng makakausap pero wala naman akong maisip kung sino. Maya-maya, bigla na namang pumasok si Chrisian sa isip ko. And at the same time sa puso ko. Bakit kaya hindi ko siya i-chat? Parang ang panget namang tingnan na ako pa magchachat sa lalake. Pero sige ichachat ko na nga siya.
Nai-click ko ang name ni Christian. Teka, anong sasabihin ko? Ang hirap magsimula ng conversation. I-’hi’ ko ba muna sya? Kamustahin ko ba muna? Ano! Anong sasabihin ko!! Okay eto na.
Me: Ui!
Ay me’ganon agad? HAHAHA! Ang landi ko masyado.
Christian: Ui, ‘kaw pala ‘yan?
Me: Oo, ako nga. Ako yung sinabihan mo dati na single ka. Yung nag-aaway ang bestfriend ko at saka si Chelsea. Yung bale magpapakilala ka na sana pero bigla akong hinatak ng kaibigan ko.
Ang dami kong nasabi. Parang medyo kinakabahan akong makipag-usap sa kanya. Parang nanlalamig ang buong katawan ko habang tumitindi ang kabog sa dibdib ko. Bakit ba kase ganito ang nararamdaman ko? Nakikipag-usap lang naman ako.
Five minutes na ang nakalipas pero wala pa ring reply si Christian. Seenzoned lang ang peg ko kaya nag-open na lang ako ng twitter. Post ng tweet, basa, post, basa. Maya-maya’y bigla nang sumagot si Christian. Parang nabuhayan ako ng dugo at ng mga nerves sa katawan ko. Parang nagliwanag ang paningin ko sa nababasa ko.
Christian: Oo nga! Natatandaan na kita. Kamusta ka na?
Me: Eto, naghahangad pa din ng tunay na pag-ibig.
Ano daw??????? Ang jologs ko namang makipag-chat. Ang corni masyado!
Christian: Hahaha! :D Grabe! Ang ganda mo pero wala kang lovelife.
Me: Oo ngae. Musta na kayo ng girlfriend mo?
Christian: Huh? Sinong girlfriend ko?
Me: Yung Donna Fuentabella.
Christian: Ah yun? Kakabreak lang kaya namin last week.
Tama ba ‘tong nababasa ng mata ko kaliwa’t kanan? Na break na sila nung Donna Fuentabella? E bakit in a relationship pa din ang nakalagay sa profile niya?
YOU ARE READING
I'm So Desperate (PUBLISHED under LIB)
Teen FictionKilalanin si Nina at ang kanyang pinakamimithing love story. Love story ng pagkadesperado niyang magkaroon ng boyfriend na magmamahal sa kanya ng tunay at wagas(makawagas naman). Ang pagiging mayaman, sikat at magandang itsura ay balewala lang sa k...
CHAPTER THREE
Start from the beginning
