"Hon!" bati ni Kamille sa kausap niya sa phone. Si Toffi. Syota siya ni Kamille. Isa din siya sa mga player ng varsity. Sa pagkakaalam ko ay bestfriend ni Carl si Toffi. At magbestfriends din ang mga syota nila.
"Hon! Bakit ka napatawag? Namiss mo ba 'ko?" ganyan ang paraan ni Kamille ng pakikipag-usap sa jowa niya. Masyadong ilusyonada.
"Hon, mall tayo mamaya after ng klase niyo." sagot ni Toffi.
"Okay hon. Go ako d'yan! I'll text you na lang pag tapos na klase ko."
"Okay bye hon. Love you! Ingat!"
"Bye. I love you too."
Ito lang yung mga bagay na kinaiinggitan ko sa mga kaibigan ko. Yung mga love life nila. Yun siguro ang pinakamasayang pangyayari na pinakaaabangan ko sa buhay ko. Ang hirap maging single. Hindi naman sa walang nagmamahal, ang ibig ko lang sabihin ay parang may kulang na kakaiba sa buhay ko. Yung feeling na kahit na in love na in love ka na sa isang tao pero yung tao palang yun ay in love na in love din sa ibang babae. At yung feeling na may nagtetext sana sa’yo ng mga linyang “Good Morning po! Kumain ka na ba? I love you po! :* Ingat palagi!” pero wala eh. Puro text ng mga kaibigan kong minamadali ako sa pagpasok na para bang bihira kaming magkita pero sa tunay na buhay, oras-oras kaming magkakasama. Yan yung hirap. Yung wala ka n'yang mga bagay yan. Bakit ba kailangan ko pang kainggitan ang mga ganyang bagay na hindi naman talaga dapat kainggitan. Please!!! GUSTO KO NA TALAGANG MAGKASYOTA!!!!!
“Tara na girls! Nag-iinit na ang ulo ko. Kumukulo ang dugo ko abot hanggang anit ko!” wika ni Kamille na para bang galit at nakakita ng kaaway.
Nakaupo pa kami nang tumayo at magyaya si Kamille. Habang siya ay nakatayo, nakita ko si Chelsea. Ang mortal at nag-iisang kaaway ni Kamille. Kasama ni Chelsea ang dalawang babae na para bang alagad niya. Ang isa ay morena at medyo chubby na babae at ang isa naman ay may pagka-chinita ang itsura o sabihin na nating hindi kagandahang babae. Maya-maya ay biglang lumapit sa amin si Chelsea kasama ang kanyang mga alagad.
“Ah, excuse me. Uupo kase kami.”
“C’mon girls. Amoy polusyon dito.” Galit na pagyayaya ni Kamille na may kasamang irap sa kaliwang mata.
Tumayo na kami at lumakad palabas ng canteen. Naupo naman sina Chelsea sa kaninang kinauupuan namin.
“Girl, taray ha. Sino nga pala 'yung dalawang chakang girls na kasama ng maharot na si Chelsea?” tanong ko kay Kamille.
“Si Janice yun. Ang mapagmagandang si Janice.” sagot ni Kamille na para bang umuusok na ang ilong sa sobrang pagkayamot.
“Eh sino naman yung isa pang chakang girl na may pagka-chinita ang itsura?” tanong ni Ced.
“Si Margaret! Siya 'yung kumabit sa jowa ni Dawn dati!”
Si Chelsea, Janice at Margaret. Parang may naaalala ako sa kanila. Si Chelsea ay dati nang nagtangkang kumabit kay Toffi na boyfriend naman ni Kamille. Si Margaret naman ay kay Harry na boyfriend ni Dawn. At si Janice, sad to say wala pang pumapatol sa kanya. Kahit na anong paraan ng panglalandi sa mga boys ang gawin niya, wala pa ring magkagusto sa kanya. Anyway, sila yung tinatawag naming mga utak ng makasaysayang “KABITAN 2013”.
Buwan ng January nang mangyari ang Kabitan 2013. Si Chelsea ang nagpasimula nang lahat ng ‘yun. Sinundan ni Margaret at nagkaroon na rin ng iba pang insidente sa iba pa naming school mates. Para bang Kabit vs. Legal Girlfriend ang labanan nu'n. May mga pagkakataon pa ngang magkakagulo o magkakaroon ng harapang away between kabit and legal. Sabunutan, suntukan. Yan 'yung mga karaniwang pangyayari noong mga panahong iyon. Baka kahit ako yung legal girlfriend hindi ko mapapatawad ang sino mang mapangahas na magtatangkang mang-agaw sa boyfriend ko. Pero wala eh. Wala talaga akong jowa so tagapanood na lang muna ako ng mga nag-aagawan ng jowa.
YOU ARE READING
I'm So Desperate (PUBLISHED under LIB)
Teen FictionKilalanin si Nina at ang kanyang pinakamimithing love story. Love story ng pagkadesperado niyang magkaroon ng boyfriend na magmamahal sa kanya ng tunay at wagas(makawagas naman). Ang pagiging mayaman, sikat at magandang itsura ay balewala lang sa k...
