Ilalahad ko na ang lahat. Lahat ng maaari nilang itanong. Malay niyo matulungan nila akong mapalapit kay Christian na aking Mr. Perfect. Pero teka, january pa nang mangyari yung pagkikita namin. Masyado nang matagal. Baka may girlfriend na siyang bago. Sa itsura niyang yun hindi agad makakahanap ng babaeng malapit ang kagandahan sa kagandahan ko? Alam niyo naman ang mga boys parang hindi magtatagal ang buhay kapag walang jowa. Minsan nga malandi pa sila kesa sa mga babae. As in 'NAPAPAKALANDI!' At ito pa yung masaklap, meron din sa kanilang ginagawang damit ang mga babae. Yun bang halos araw-araw bago ang nilalanding babae. Well, never kong naranasan ang malandi ng isang guy na sabik sa babae. PLEASE PO LORD! Sana po hindi ganoon si Christian. Siya na lang po ang chance ko kaya please po. Ibigay niyo na po siya sa akin. PLEASE! PLEASE!
“Hindi ko talaga siya kilala. Varsity din ba siya Toffi?” tanong ni Ced.
“Ah hindi eh. Nakakainuman lang siya ni Carl minsan. ‘Di kami close.” sagot ni Toffi.
Na-fall na ba ako kay Christian? Parang ang dami kong binabalak. Parang gusto ko siyang i-stalk. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya. Ultimo blood type niya gusto kong malaman. Sana nga siya na ang matagal ko ng hinihintay.
Matapos naming makakain ay dumiretso na kami sa parking lot. Uuwi na kami. Masyado ng humahapon. Baka gabihin kami sa daan.
“Bye friend!” pamamaalam ni Kamille sabay nakipag beso-beso sa akin, kay Ced, Dawn at kiss naman ang kay Toffi.
“Salamat Nina!” dagdag ni Ced.
“Ingat!” sabay sabi ni Toffi.
Nakaramdam yata ako ng pagod ngayon. Pagkauwing pagkauwi ko’y dumiretso na agad ako sa kwarto ni daddy para ibalik ang susi ng kotse niya.
“Hi dad! Thank you po!” sabi ko.
“Kumain ka na d’yan. Magpahain ka kay Ate Merly.”
“Okay dad.”
Bumaba ako para mag dinner. Nakita ko si Ate Merly na nanonood ng paborito niyang teleserye. Yung iniiyakan niya sa tuwing madrama ang scene. Medyo may pagka-oa din kase siya minsan.
Si Ate Merly ay ang maalaga kong yaya. Mataba at medyo pandak. Siya na ang nag-alaga sa akin simula nung bata pa ako. Siya ang pinaka cool na yaya ever. Lahat ng sikreto ko alam niya. Siya din ang buntunan ko ng sama ng loob.
“Hi Ate Merly!” bati ko.
“Oh Nina. Kumain ka na ng dinner.”
Nagmadali ako sa pagkain. Kailangan kong makapag-open agad ng facebook. Naalala ko na bubuksan ko nga pala ang profile ni Christian my loves. HUHHHH? Ano daw? My loves agad? Ang landi ko! Nakaapat na subo lang pa lang ako at tumaas na agad ako sa kwarto ko.
Napansin ni Ate Merly na nagmamadali ako sa pagkain kaya napatigil siya sa panonood ng paborito niyang teleserye.
“Aba Nina, bakit ka ba nagmamadali?”
“Wala. Wala po. May gagawin lang po ako. Bye!”
Naglakad na ako pataas ng sa kwarto ko. Binuksan ko agad ang computer ko at binuksan ang facebook. Naitype ko ang name ni Christian,,, Christian-------Ano nga bang apelyido niya? Wala akong idea sa apelyido niya! Nai-view ko na lang ang profile ni Carl para hanapin du'n ang profile ni Christian. Teka? Ang daming friends ni Carl. Iisa-isahin ko ba ang lahat ng ‘to? Hinanap ko ito hanggang sa makita ko ang pangalang Christian Antonio De Silva. Binusisi kong maigi ang picture niya at kumpirmado. Siya nga ito. Binuksan ko ang profile nito.
Christian Antonio De Silva
Studying BS Architecture at Cipriano University
Lives in Marikina City
KAMU SEDANG MEMBACA
I'm So Desperate (PUBLISHED under LIB)
Fiksi RemajaKilalanin si Nina at ang kanyang pinakamimithing love story. Love story ng pagkadesperado niyang magkaroon ng boyfriend na magmamahal sa kanya ng tunay at wagas(makawagas naman). Ang pagiging mayaman, sikat at magandang itsura ay balewala lang sa k...
