Chapter Thirty - One

Start from the beginning
                                    


"Ano yan tol, gandang ngayon nya lang nakita." Nagtawanan silang lahat, umiling iling na lang ako. Mga siraulo talaga tong mga to oo!


Masarap matulog kapag alam mong wala ka ng gagawin kundi bawiin na lang yung lakas na nawala sayo buong araw. Nakakapagod din pala kahit naki foundation lang ako sa mga schoolmates ko. Pero pakiramdam ko mas nawalan ako ng lakas sa kasalanan namin kuno.


Unti – unti na kong napapapikit ng bigla kong maramdaman na nagvibrate yung cellphone ko, inis kong kinuha yung cellphone para tignan kung sino yung istorbong yon.


From: Vanilla Duwende Mallari.

Hi Labs! Ay! Hubby pala! Hihihi!

Tulog ka na ha? Goodnight! Sleeptight!

Dream of me 'coz I'll be dreaming of you! I love you, Labs!

Ay! Hubby pala! HIHIHI! <3

--

Ewan ko ba pero napangisi ako sa teks nya, lakas mo Duwends! Bago pa ko makatulog ng tuluyan nag reply na ko sa kanya.


To: Vanilla Duwende Mallari.

Ge. Goodnight :)

--


Noon lang ata ulit ako nakatulog ng may ngiti eh. Ang bading man pakinggan pero iba eh. Ibang iba talaga.


* * * *


"GOODMORNING LABS!!!!" Dahan dahan akong dumilat ng may maramdaman akong tumatalon talon sa kama ko. Bukod sa nakakairitang boses ni Vanilla, masyado akong nabagabag sa pag talon nya sa kama ko.


"HI LABS!!!" Nakangiti at maligaya nyang sambit habang parang tanga paring tumatalon sa kama ko. May balak ata syang sirain, "GUMISING KA NA!! NANDITO NA KO AT YUNG BREAKFAST MO NASA LAMESA NA!!"


Isang linggo matapos nong kasal kasalan kuno namin, masyado na nyang pinanindigan yung pagiging asawa daw nya. Hindi ko alam kung bakit nangyayari to sakin ngayon pero lanya, hindi ko naisip na papanindigan nya yon.


"Vanilla, wag mo sirain kama ko!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya, nakapikit parin yung isang mata ko sa sobrang antok. Gusto ko pang matulog pero hindi ko magawa dahil sa Duwendeng to. Kahit kailan istorbo talaga to sa lahat na lang ng gagawin ko.


"BUMANGON KA NA KASI LABSS!! DALI NAA! DALI—AHH!! OMG!!" Sigaw nya ng bigla ko syang hilahin pahiga sa tabi ko. Natahimik bigla yung kwarto, yung tipong tunog lang ng orasan ang maririnig mo.


Napangisi ako, "Edi tumahimik ka din." Sabi ko habang nakayakap sa bewang nya. Hindi na sya gumagalaw kaya pakiramdam ko may katabi akong kawayan. Dahan-dahan kong syang tinignan, dun ko nakitang nanlalaki parin yung mga mata nya habang pulang pula yung pisngi nya. Nakatitig lang sya sa kisame, ramdam na ramdam ko yung kaba.


Grabe. Napaka lakas naman ng epekto ko sa kanya.


"Cat got your tongue?" Natatawa kong tanong habang nakatingin sa kanya. Sobrang lapit na naman ng mukha namin sa isa't isa pero kahit ganon, hindi nya parin ako tinitignan kasi padaplis lang. Bakit ayaw mo ko tignan?

Between The LinesWhere stories live. Discover now