Chapter Forty-Three

555 16 12
                                    



--

Chapter Forty-Three


"Grabe! Ang simoy ng hangin! Pilipinas na Pilipinas!!" Sabi ni Ate ng dumating kami sa airport.


"Bakit? Kasi polluted?" Natatawa kong tanong.


"Alam mo ikaw, hindi mo ba namiss?" 


"Alam mo ate, akala ko ba ayaw mo na dito? Tapos ngayon para kang kiti-kiti dyan kasi di ka mapakali? Makakauwi tayo sa bahay antayin mo lang." Umiling ako habang natatawa. Sakto naman na dumating na din si Kuya DJ para tulungan kami.




"Namiss kitaaaaaa!" Sigaw ni Ate habang tumatakbo papunta dun pinakadingding ng bahay namin. Nagulat kami ng bigla niyang dinikit yung sarili nya don. 


"Yuck ate! Germs!" Napayuko ako at umiling.


Narinig ko namang tumawa si Kuya DJ kaya napatingin ako sa kanya. "Alam ko nilinis naman nila Mang Bitoy 'to nung nalaman nilang uuwi na tayo." Matawa tawa niyang sambit habang nakantingin kay Ate.


"Kunyari ayaw pero gusto din naman pala umuwi." Tumingin ulit ako kay ate na nakahiga na sa sofa.


Nakangiti siya at tumingin samin nang may kinang sa mga mata. "Miss na miss ko lang 'togn bahay! Ano ba kayo!? Napaka KJ netong mga 'to." Nakasimangot niyang sagot.


Natawa na lang sya at tinapik niya yung balikat ko saka pumunta kay Ate. Sumandal ako sa hamba ng pinto at saka sila tinignan. Ang alam ko may lakad din sila mamaya dahil mag eenroll narin sila. Kikitain ata nila sila ate Ella, tignan natin kung paano sila ngayon at magkikita na naman yung dalawa.


Ang laki ng pinagbago ni Ate simula ng umalis kami dito sa lugar na 'to. Being outside the country helped us both. And kung bibigyan man ako ng pagkakataon para mamali noon kung mag stay ako dito o aalis...pipiliin ko paring umalis.


Nang makalapit si Kuya DJ sa kanya agad naman niya 'tong niyakap ng mahigpit. "Grabe Boyfrieeeeend! Namiss ko talaga Pilipinas! Mas gusto ko parin dito!" Nakangiti niyang sambit habang nakayakap sa kanya.


"Ilang beses mo na bang sinabi yan simula nang nasa airport tayo, Girlfriend?" Natatawang tanong ni Kuya DJ. "I can see that you're really happy. You don't know how happy I am seeing you smile." Saka niya hinalikan si Ate sa noo.


Kung hindi ko lang talaga alam ang meron sa kanila ngayon. Tss.


Napangiti ako atleast nakikita ko na siyang masaya. Ang laki talaga ng naitulong sa kanya ni Kuya DJ. Umiling ako at isasarado na sana yung pinto dahil alam ko mamaya pa pupunta sila Denver at nasa school pa sila.


Bago ko pa tuluyang masara yung pinto, nakarinig na ko ng malalakas na yabag ng mga paa paakyat ng unit namin. Nanlaki ang mata ng makita ko ang mga natatarantang mukha ng mga kumag at biglang pagtalon sakin sabay yakap ng mahigpit,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon