Chapter 15 -- End Of The Road

4.9K 75 1
                                    

Simula ng mga pangyayaring nasaksihan ni Martee, nagkaroon na ng lamat ang samahan nilang mag bayaw. Hindi niya ito kinakausap hangga't hindi kinakailangan. Pero hindi nila pinahalata 'yon kay Carlyn. Ayaw ni Martee na malaman ng kanyang Ate ang mga nangyari, ayaw niyang masaktan ito at ayaw niyang masira ang pamilya nito.

Madalang na lang din magkita sina Natalie at Ervic, kung magkita man sila ay hindi sila nagpapansinan na tila hindi sila magkakilala, at parang invisible sila sa isa't isa. Kailangan din namang panindigan ni Natalie ang kanyang desisyon na magpakasal kay Martee at kalimutan si Ervic. Kailangan niyang gawin 'yon, dahil 'yon ang tama.

Lumipas pa ang mga araw at dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat, the Wedding of the year. Ayalde and Ortega's Nuptial.

All are set. The reception, the church, the entourage, everything. The reception will be on Sarah Lawrence Luxury Hotel. Nakabihis na rin lahat, including the bride and the groom.

Nakaharap sa malaking salamin ng hotel si Natalie sa loob n kanyang kwarto. Pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. She's so very beautiful on her wedding dress. Sa kabila ng kagandahan niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Iniisip niya ang mga mangyayari mamaya. Tama nga ba 'tong gagawin ko? Oh God, help me. Huwag Niyo po akong pabayaang magsisi kung ano man ang magiging sagot ko mamaya. May You guide me all throughout. Then she gently close her eyes.

"Wedding blues?" Hindi namalayan ni Natalie nakapasok na pala si Ayen sa loob. "Don't tell me, ngayon ka pa aatras?" At linapitan niya ang kapatid.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko paba 'to o hindi."

"Natalie, gawin mo kung ano sa tingin mo ang magpapasaya sayo, gawin mo kung ano ang tama. Don't be afraid to follow what you really desire." Hinaplos niya ang likod ng kapatid. "Don't cry, sayang ang make-up, ang ganda mo pa naman." She smile.

Pilit na ngumiti si Natalie sa sinabi ng kapatid. Kahit papano medyo gumaan ang kanyang pakiramdam lalo nang mag-usap sila ng kanyang Dad. It's a heart to heart talk.

Ready na ang entourage sa church. Nando'n na rin ang ibang mga bisita. Nando'n na rin ang Pamilya ni Ervic. Naunang dumating ang bridal's car. Wala pa si Martee kaya hindi pa bumababa sa sasakyan si Natalie.

Nakatitig lang si Ervic sa bridal car. How he wish may magawa siya para pigilan ang kasal ng dalawa. Natalie, ito na ba talaga ang huli para sa'tin?

"Bakit kaya wala pa si Martee?" Alalang tanong ni Carlyn. "Hon, tawagan mo na nga siya. Nag aalala na'ko eh."

"Bakit ako? Ikaw na lang."

Tinawagan na nga ni Carlyn si Martee at sinabi nitong on the way na siya at na traffic lang daw.

Kinakabahan naman si Natalie na nasa loob ng bridal car. Kitang kita niya sa harapan ng simbahan si Ervic. Gustong gusto niya itong lapitan at yakapin ng mahigpit at sabihing itakas na siya nito pero hindi niya pwedeng gawin 'yon. Hindi siya pwedeng maging runaway bride. Natalie, you're doing the right thing. Si Martee, siya ang dapat ang para sa'yo. Ito ang tama. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na ito talaga dapat ang tamang gawin. Kailangan mong itama ang lahat. Kailangan. Handa na'ko. Handa ko ng pakasalan ang taong tunay na nagmamahal sa'kin.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin si Martee. Nag aalala na tuloy ang lahat, pero hindi pa naman siya huli sa oras ng kasal, sadyang traffic lang talaga ang papunta sa simbahan.

Hindi alam ni Martee ang mararamdaman sa mga oras na 'to. Natatakot siya na baka umurong si Natalie sa kasal nila. Knowing na nasa paligid lang si Ervic habang kinakasal sila, baka kasi tumutol ito sa kasal. Pero naisip niya na hindi magagawa 'yon ni Ervic sa maraming tao, sa harapan pa ng Pamilya niya.

The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon