Chapter 6 -- Photographs

5.9K 83 1
                                    


Tinupad ni Natalie ang sinabi niya kay Ervic. Hindi na nga siya gaanong masungit dito. Nginingitian na niya din ito sa trabaho at kinakausap na parang mag kaibigan. They were friends and now they are back to being friends again.




Tinatahak ni Martee ang daan patungo sa shop ng girlfriend. Sakay niya sa likod ang mag inang Carlyn at Nicko. Susunduin kasi nila si Ervic. Unang sweldo niya kasi ngayon at mamasyal silang pamilya.



"Mama, sakay tayo dun sa kabayong umiikot, ah?" Sabi ng excited na si Nicko.


"Huwag kang mag alala, anak, sasakyan lahat natin ang mga rides sa enchanted kingdom."



"Excited na excited si Nicko, ah." Sabat ni Martee sa dalawa.



"Siya nga pala, Martee, lilipat na kami bukas sa naupahan naming bahay. Nakapag request na kasi si Ervic ng dalawang araw na day off para daw makapag lipat kami agad. Kilala mo naman 'yun, sigurado nahihiya na 'yun sayo."



"Si Kuya talaga o." Napapa iling na lang si Martee.


Nang sumpungin si Carlyn ng kanyang migraine.


"Ate, okay ka lang?" alalang tanong ni Martee.



"Sumumpong na naman ata ang migraine ko." Hinawakan niya ang kanyang sentido.


"Kaya mo pa? Gusto mo dalhin na kita sa hospital?"



"Hindi, huwag na. Sa tingin ko, kaya ko pa namang tiisin 'to."



Pagdating sa shop, agad silang sinalubong ni Ervic. Kinarga agad nito si Nicko. Si Carlyn naman umupo sa customer's seat.




"Carlyn, okay ka lang? Anong problema?" Alalang tanong ni Ervic.


Hawak ni Carlyn ang kanyang ulo. "Ang migraine ko sumusumpong na naman."



"Ate, mag pahinga kana lang kaya sa bahay?" Suhestyon ni Martee.


"Hindi pwede. Si Nicko, malulungkot siya. Ervic kayo na lang kayang dalawa ang lumabas?"



"Mama hindi ka sasama?" Malungkot na tanong ni Nicko.



Nang dumating si Natalie. "Hi, everyone." Bati niya sa mga ito. Nang mapansin niya si Carlyn. "Ate Carlyn, are you okay?"



"Tita Natalie, ikaw na lang ang sumama sa'min." Yaya ni Nicko.



Imbes na malungkot si Nicko dahil hindi matutuloy ang outing nilang pamilya. Si Natalie na lang ang pinasama ni Carlyn sa mag-ama niya. Ayaw niya kasing ma disappoint ang anak. Kaya pinaliwanag nila kay Natalie ang nangyari at eventually pumayag naman siya na mamasyal kasama ang mag-ama.



Pumunta sila sa Enchanted Kingdom at sumakay sa mga rides. Ang saya-saya ni Nicko, gano'n din naman sina Ervic at Natalie. Para silang isang masayang pamilya. Ang dami nilang masasayang ginawa. Dala rin ni Natalie ang kanyang camera. She's capturing every happy moments.



Nagyaya si Nicko sa isang ice cream shop na hindi naman tinanggihan ng dalawa.



"Nicko, masaya ka ba?" Tanong ni Ervic sa anak.



"Opo. Masayang masayang masaya ako. Kayo po?" Balik tanong ni Nicko.



"Syempre masaya ako kasi masaya ka tsaka kasama kita."



"Papa, masaya ka rin ba kasi kasama natin si Tita Natalie?"


Napatingin tuloy si Ervic kay Natalie. Napatigil din tuloy sa pagkain ng ice cream ang dalaga.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon