Chapter 23

325 10 0
                                    

Chapter 23

Safe house


Matapos kong mahanda ang mga gamit ko at ang sarili ko, nagpaalam na rin naman ako kay mama. Hindi ko ramdam na magiging masaya ang araw na 'to para sa akin, hanggang ngayon kasi naalala ko pa rin 'yong mga nangyari kahapon. And it's my fault na dinala ko si Henric sa panganib na 'yon. Hindi ko alam kung saan ang safe house na tinutukoy nila pero mukhang kailangan muna lumayo ni Henric.

Mabilis din naman akong nakarating sa Amea University. Balik normal na ang lahat, na parang walang nangyari. May mga issue ang Amea Kingdom na sila lang ang nakakaalam, may mga issue-ng kumakalat pero hindi naman lahat totoo.

Tumuloy naman ako sa room namin. Kakaunti pa lang din ang nasa room. Tiningnan nila ako pero agad din nilang inalis ang tingin nila. Wala naman silang alam na nasa Annual Gathering ako, mga royals at journalists lang din naman. Mayamaya ay dumating na rin si Koby, tumuloy naman siya sa tabi ng upuan ko.

"Hey, you okay?" he asked.

I smiled and nodded.

"Nakausap ko si Sebs at Dan kahapon nang umuwi sila sa bahay," simula niya. Tiningnan ko lang siya at nakinig sa kanyang sasabihin. "Hindi rin nila alam kung saan 'yong safe house na pinuntahan ng King at ni Henric and as what they said, ligtas sila doon. Far from here." He said.

Napatango na lang din naman ako, "mabuti 'yon."

"Jayne, it's not your fault."

Napasinghap lang din ako sa sinabi niya. How can't it be my fault? I put Henric into that, if I didn't choose to help me, hindi mangyayari 'yon.

"Henric did what he wants, Jayne. It's not your fault. He's safe and okay."

I look at his eyes, "I put him on that, I put the person I like on danger."

Pansin ko naman ang pagtaas niya ng kilay.

"Eh, what—"

"Jayne!" natigil naman si Koby nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin naman namin 'yon, palapit na si Maisie sa amin.

"Ano 'yon, Mace?" taka kong tanong sa kanya.

"Ma'am Danzella wants to talk with you."

"Oh." Namilog na lang ang bibig ko. "Sa tingin mo, aalisin na ang scholarship ko?"

"Hmm... I think not." Aniya. "Nakangiti siya ng ipatawag ka niya sa akin, I can feel she brought some good news for you."

I breath, "I hope so."

"Oh, go on. Hinihintay ka na niya sa office." I nodded.

Lumabas naman ako ng room at tinahak ang guidance office kung nasaan si Ma'am Danzella. Pero pagkaliko ay may nakabangga ako. Medyo masakit dahil tumama ang noo ko sa kanyang dibdib.

Nang iangat ko naman ang tingin ko, nanliit naman ang mata ko. Hindi ko siya kilala.

"So, you must be Jayne?" he asked.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. "How did you know me?"

"From a friend." He said. "By the way I'm Jayvee." He let his hand up for a handshake. Tinitigan ko lang 'yon hanggat sa binawi niya. "Gotta back to class." I just nodded, sinundan ko naman ito ng tingin ng makalayo na sa akin.

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon