Akala Ko Kasi

243 29 4
                                    

Hi guyss! This is my first One shot story. Hope you like it!

Akala ko kasi (One shot)
Written by: GorgeousAllyane

********

Matagal na kitang mahal di mo lang alam. Matagal na rin akong nagtitiis na tignan ka lang sa malayo ng hindi mo namamalayan.

Sino ba naman magkakagusto sa isang Reece Zach Vanz? Gwapo, sikat, matalino at hindi kagaya ng ibang mayaman jan na masungit, kaya naman maraming nagkakagusto sayo.

Ilang taon na kitang minamahal kaya halos alam na alam ko na ang lahat ng tungkol sayo dahil iniistalk kita pero iniisang detalye tungkol sa akin ay wala kang alam.

Alam ng marami na tamad ako mag-aral, ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang Lianne Mae Fuentabuela. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng simula kitang makita, parang araw araw akong naging ganado pumasok sa eskwelahan.

Ganito ba talaga pag may mahal ka na? Ginaganahan ka sa isang bagay na hindi mo naman gusto.

Isang araw habang nagalalakad ako papuntang classroom ay hindi ko sinasadyang mabangga ka. Akala ko magagalit ka pero nginitian mo lang ang ako ng malapad at tinulungan mo pa akong pulutin ang mga nagkalat kong libro.

Pakiramdam ko ng araw na yon ay para akong pinagpala at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako sinwerte.

Di mo lang alam hindi ako makatulog sa gabi ng dahil sa iyo dahil nung oras na yon ay hindi mo sinasadyang mahawakan ang aking kamay habang pinupulot mo ang aking mga libro.

Nung oras na yon isa lang ang tanong na nasaisip ko.

Destiny.. gumagawa ka na ba ng paraan para sa aming dalawa?

Yan ang mga katanungan ko sa oras na yon.

Hindi ko inaasahan nung araw na yun ay nag simula na talagang gumawa ng way para sa atin si Tadhana dahil lagi na niya tayong pinagkikita.

Hanggang sa isang araw hindi ko inaasahang ako'y binati mo ng magandang araw dala ang malapad mong ngiti.

Halos di ako makagalaw at makahinga habang nagsasalita ka. Sa sobrang kabog ng dibdib ko ay para akong aatakihin sa puso.

Nang sasagot na sana ako sayo ay bigla kang nagpaalam. Nginitian na lang kita ng malapad.

Pagkalagpas na pagkalagpas mo palang ay agad akong sumigaw.

"I love youuuuuuu God!!!"halos magtinginan ang buong tao sa paligid ko ng ako ay sumigaw. Pero imbis na mahiya ako ay nginitian ko lang sila ng malapad at naglakad na.

Simula nung araw na yon ay araw araw mo na akong binabati at naging mag kaibigan tayo.

Hinahatid sundo mo na ako sa bahay ko. At may pagkakataon pang sabay tayong lumalakad at kumakain sa eskwelahan.

Dumaan ang ilang linggo at bigla kang nagtanong habang nakaupo tayo sa isa sa mga bench sa ialalim ng puno.

"M-may gusto akong babae. T-tingin mo magugustuhan niya ba ako?"utal utal mong tanong sa akin habang nakatingin ka sa malayo.

Parang dinurog at sinaksak mo ang puso ko sa mga salitang binitawan mo.

Gustong gusto ng tumulo ng mga luha ko pero dahil nga sa katabi kita at ayokong mahalata mong may gusto ako sa iyo at baka iwasan mo lang ako pag nalaman mo ang nararamdaman ko para sa iyo ay minabuti ko na lang kimkimin sa arili ko ang sakit na na darama ko sa aking puso.

"Ahhh... Oo naman! Sa gwapo mong yan! Sino ba namang hindi magkakagusto sayo!"pilit kong pinapasaya ang aking boses kahit na sa loob looban ko ay para akong sinaksak ng bilyon bilyong karayom.

Akala Ko Kasi...{OneShot}Where stories live. Discover now