Kinaumagahan, maagang nagising si Klang dahil narin siguro sa excitement na ihahatid sundo siya ng ama sa school. Pagkagising ay wala na sa tabi niya ang lola kaya mabilis nalang niyang isinuot ang slippers at patakbong lumabas ng kwarto. Dumiretso ito sa room ng magulang at naabutan lang doon ang bunsong kapatid at ang Mommy Karylle niya. Dahan-dahan naman siyang pumasok sa loob at lumapit sa nakaupong ina.

"Goodmorning, baby!" mahinang bati ni Karylle upang maiwasan na magising ang himbing sa pagkakatulog na si tutoy.

"Mowning, mommy!" Klang greeted back. Nagtiptoe ito kasabay ng pagbend ni Karylle upang ma-kiss nila ang isa't-isa. "Si Daddy Bays ko po?"

"Si Daddy ang nagluluto ng breakfast natin, baby." sagot na lamang nito. "Baba na ikaw sa kitchen tapos magpatimpla ka kay Daddy ng gatas tapos dalhin mo nalang dito para dito tayo mag-breakfast. Okay po ba 'yon?"

"Yas!" hyper na sigaw nito sabay takbo ulit palabas ng kwarto.

Klang headed sa kitchen at naabutan nga doon ang ama na busy sa pagpprepare ng breakfast. Dahan-dahan itong naglakad palapit kay Vice at nang makalapit ay mabilis na yumakap sa likod nito. Nagulat naman ang huli kaya agad itong napalingon.

"Mowning, Daddy Bays!" bati ni Klang sa ama with a smile.

"Goodmorning!" bati nito pabalik habang ginugulo ang buhok ng anak. "Ang aga mo nagising ah?"

"Nitabihan kasi ako po ni Lola wast night," pagkukwento nito while still hugging him sa waist. "Daddy Bays, gawa mo si Kyang ng milk po."

"Sige po, upo muna ikaw don oh! Magtitimpla na si Daddy ng gatas," ginuide naman ni Vice ang anak paupo sa stool bago bumalik sa pagluluto. Isiningit narin niya ang magtimpla ng gatas para sa panganay.

"Daddy Bays, hatid mo 'ko po sa school?" sabi ni Klang. Napalingon naman sa kaniya ang ama sabay buntong hininga.

"Nako, hindi muna kita maihahatid ngayon sa school ha? Umuwi kasi si Lola Rosario mo kila Tita Tina, mamayang hapon pa balik niya dito. Baka kailanganin ako ng mommy mo." mabilis na humaba ang nguso ng bata kaya nabahala naman doon si Vice. "Sige, ganito nalang. Sila Tito Archie mo muna ang maghahatid sa 'yo sa school mamayang tanghali, tapos pipilitin ni Daddy na sunduin ka mamayang hapon, okay?"

"Di pa naman ikaw sure eh," nakapout na reklamo ng bata. Tinabihan ni Vice ang anak at hinalikan ito sa ulo.

"Susunduin ka ni Daddy mamayang hapon, okay?" paglalambing nito sa anak. Hindi naman nagtagal ay bumalik na sa pagiging masigla ang bata. "Smile ka lang lagi. Ayaw ni Daddy na nakikita kang nakasimangot. I love you,"

"Nimamahal din ikaw ni Kyang!" agad na sagot nito as she hugged him tightly. "Punta daw ako doon po sa woom ni mommy, dun daw ako po mag-bweakfast,"

"Oh sige, sige! Dalhin mo na 'tong milk mo sa taas. Tatapusin ko lang 'tong niluluto ko tapos dadalhin ko na rin sa taas para makakain na tayo,"

Nakangiting sinunod ni Klang ang utos ng ama. Dahan-dahan itong bumaba sa upuan at kinuha ang baso ng gatas. Muli niyang hinalikan ang ama bago ito tuluyang lumabas ng kusina at umakyat sa kwarto ng mga magulang. Malalim na napabuntong hininga si Vice dahil narealized niya na mukha ngang nagiging unfair na siya sa panganay.

Pakanta-kanta pa si Klang habang naglalakad papasok ng kwarto. Nang makita ang ina ay lalong lumawak ang ngiti nito sa labi. Lumapit ito sa bedside table at ibinaba muna roon ang baso ng gatas bago dahan-dahang umakyat sa kama upang tumabi sa natutulog ba kapatid. Bahagya nitong iniyuko ang ulo at hinalikan si Tutoy sa noo nito. Hindi naman napigilan ni Karylle ang mapangiti dahil sa ginawa ng anak.

"Sabi ni Ninang Anne, kukunin daw niya si Tutoy." pananakot ni Karylle kaya mabilis na kumunot ang noo ni Klang. Kasabay noon ay ang pagpulupot nito ng braso sa katawan ng kapatid.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon