CHAPTER SIX: Counsel

6.7K 192 5
                                    


Hinatak niya ako papunta sa classroom. Batid kong pinagmamasdan kami ng iba naming schoolmate. Pumasok kami sa Room 101 ng College of Arts and Sciences. Wala pang tao dun. Pina-upo niya ako sa isa sa mga silya doon.

"Talk! Now na!", ang utos ni Nica. Napabuntong-hininga ako at ikwenento ang lahat ng nangyari kagabi,pati na rin ang aking mga hinaing.

"Hmmm, ang masasabi ko lang, napakalaki mong Tanga!" ang pagsisimula niya.

"Masyado mong ibingigay yang pagmamahal mo sa kanya. Ngayon, iiyak-iyak ka! Kahit man lang kaunti sana naman nagtira ka para sa'yo, Robi"

"Akala ko kasi-", bago ko matapos ang aking sasabihin ay kaagad siyang nagsalita.

"Ayan ka na naman sa akala, Robi. Ilang beses na bang nangyari sa'yo to? Utang na loob, Robi; pang-apat na to. Hindi ka pa ba nagtatanda? Hindi masamang magmahal pero dapat sapat lang. Walang labis, walang kulang. Pero sa'yo labis-labis ang ibinibigay mo. Ikaw din ang may kasalanan nan! Masyado mong pinakita na mahal mo si Mark kaya ginago ka lang niya."

Siguro nga tama siya. Baka masyado kong binigay kay Mark lahat ng oras at pangagalaga ko. Naumay siguro siya sa sweetness ko. Wala na talagang natira para sa akin kundi ang sakit na parang isang libong kutsilyong sumasaksak sa puso ko. "Could you just say that everything's alright, please?"

Tinitigan niya lang ako at napataas ng kilay. "No, Robi. Kailangan mong gumising sa realidad na wala na kayo ni Mark. Hindi mo ba nakikita? May gusto na yung iba."

Tumililing ang tenga ko sa sinabi ni Nica. Tinignan ko siya. Hindi ko naisip yun. Posible ba? I'm still in denial. Nabasa ni Nica ang mga nasa isip ko. "On the first place hindi siya agad mag-doudoubt sa feelings niya sa'yo ng walang dahilan. Mahal ka niya at siguro may minahal na siyang iba kaya hindi na siya sigurado sa feelings niya sa'yo."          

"Eh, paano kung mahal niya talaga ako?", ang tanong ko.

"Paano kung hindi na?", ang pagbabalik niya ng tanong.

"Makipagbati na kaya ako sa kanya? Nag-over react lang naman ako kagabi di ba? I still could give this relationship a second chance." ang sabi ko sa kanya. Umaasa pa rin akong masasalba ang pinagsamahan namin ni Mark.

          
"No one is asking for a second chance, Robi. Huwag ka nang magpagod. Ang mga martyr binabaril sa Luneta. Baka gusto mo barilin na kita sa flag pole area natin? Tama lang ang ginawa mo kagabi. Dapat mong ipakita na malakas ka, na dapat hindi ka tinatarantado ng kung sino-sinong hudas dyan. Huwag kang maghabol, hayaan mo siya. Let him go" ang mahaba niyang pagpapaliwanag sa akin.          

"I can't! Hindi ko kaya"

"Pwes, kayanin mo. Magmaganda ka na man kahit minsan. Ipakita mo na wala lang siya sa'yo."

"Pagkatapos, ano? Kakalimutan niya na lang ako?"

"Akala ko pa naman, matalino ka Robi. Kung talagang mahal ka niya at sigurado siya na ikaw lang. Ipaglalaban ka niya, ganun lang yun kasimple. Kung hindi, you're not meant to be",

ang matigas niyang pagsagot sa tanong ko. "Huwag nang matigas ang ulo."

 

Tumabi siya sa akin. Katahimikan. Nararamdaman kong tinititigan niya ako. Walang alinlangan ko siyang yinakap at kaagad na namang napaluha. Sa pagkakataong ito, hindi niya ako tinulak papalayo bagkus ay yinapo-yapos niya ang aking buhok. Narinig kong may nagbukas ng pinto at pumasok.

"Nica, what's happening?" ang naguguluhang tanong ng babaeng tinig. Kilala ko siya; ang isa ko pang bestfriend, si Mira. Kabaliktaran siya ni Nica. Isang ehemplo ng pagkadalagang Filipina. Mahinhin, hindi maingay at higit sa lahat, marami ang naaattract sa ka-cutean niya. Panigurado, kasama niya si Rex; ang rumored boyfriend niya. Paano ba naman, sa tuwing tinatanong sa kanila kung anong relationship status, ang sagot lang nila ay "Special Friend". If I know mag M.U. na ang dalawa, as in Malanding Ugnayan. Sa buong klase, sila lang ang may alam ng pagkatao ko. Si Nica ang pinaka-unang nakaalam, ang lakas kasi ng gaydar niya. Lumapit ang dalawa sa amin. Kumalas ako ng yakap kay Nica ngunit hindi pa rin tumigil sa pagluha. Hinila papalayo ni Rex si Nica at nag-usap. Obvious naman na ako ang pinag-uusapan nila dahil sa palingon-lingon sa akin ng dalawa. Rumehistro naman sa mukha ni Rex ang pagkabahala at napapailing pa. Hinawakan naman ni Mira ang aking mga kamay at pilit na pinapatahan. Hindi niya na napigilan ang sarili at agad naman akong yinakap. Tulad ng ginawa ni Nica, yinapos-yapos din niya aking buhok.

         
"It's all right, bhez. Magiging maayos din ang lahat", bulong niya sa akin. Hinatak na ako ni Nica papalayo kay Mira at kaagad inutusan na ayusin ko ang aking sarili. Napayuko lang ako. Pinagmamasdan ko ang aking mga sapatos nang sumipot ang isang kamay na may hawak na panyo. Tinignan ko kung sinong nagmamay-ari nun; si Rex na suot ang kanyang pamatay na ngiti. Naging crush ko din siya pero agad ko ding pina-ubaya kay Mira dahil alam kong straight siya. Kinuha ko ang panyo at pinunas sa aking mga mata. Binulsa ko ang panyo.

Yinaya ko silang mag-almusal at kaagad kaming pumunta ng Canteen.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon