Chapter 2

426 11 2
                                    

"GOOD morning, class. I am Lorenzo Natividad, your new English teacher."

Napahawak ako sa dibdib ko habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa guwapong lalaking sa palagay ko ay nasa twenty-three to twenty-five years old na nasa harap ng classroom sa sandaling iyon.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kanina pa lang, nang pumasok si Mr. Natividad sa pinto ng classroom, natulala na agad ako.

Putek, ang guwapo niya!

Hindi man lang kami na-inform na ganito pala ka-guwapo ang substitute teacher kay Mrs. Magulangan.

Habang nagsasalita si Mr. Natividad tungkol sa sarili niya, busy naman ako sa pagsipat sa kanya.

Clean-cut ang buhok ni Sir. Maamo ang mukha niya. Bagay sa kanya 'yong suot niyang polo na kulay powder blue at itim na slacks. Siguro nasa five-ten ang taas niya. Maganda ang bulto niya. Hindi maskulado pero hindi payat. At saka parang ang bango-bango niyang tingnan kasi amputi niya.

Amperpek niya! Grabe s'ya!

Kaya lang, hindi ko gaanong nage-gets ang pinagsasabi niya. Ambilis niyang mag-English. Tuluy-tuloy. Parang pakiramdam ko, may tutulo nang dugo galing sa ilong ko.

Napansin ko ang relo niya. Hanep kung makakinang kapag iginagalaw niya ang mga kamay niya habang nagsasalita. Gold. Mukhang mamahalin. Kung sabagay, pati ang polo at slacks niya, mukhang branded kasi parang ang ganda ng tela.

Lumipad ang tingin ko sa bag niyang nakapatong sa desk. Ampotek, 'di ba gano'n 'yong nakita kong print sa bag ni Patring kanina?

Ansabeh ng LV bag niyang panlalaki! At siguro naman hindi japeyk ang kay Sir.

Shemay... mukhang conyo ang bago naming English teacher!

"I want you to introduce yourself to me one by one," nakangiting sabi ni Mr. Natividad. "So I could remember each of you."

Pakiramdam ko, tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ano daw? Magpapakilala daw kami sa kanya isa-isa? Siyempre, in English 'yon, 'di ba? Eh, kasi English class iyon.

Yari ako!

Iyong kaninang pagtibok ng puso ko dahil na-atrak ako sa bagong English teacher namin, napalitan ng kabog ng dibdib dahil sa grabeng kaba at takot.

Patay. Kailangan kong magsalita sa English. Hindi lang sa harapan ng klase, kundi sa harapan ng Fafang teacher. Paano ko ba ipapakilala ang sarili ko nang hindi ako magmu-muntanga sa harapan niya?

"Hoy, ba't parang naninigas ka d'yan?" bulong sa akin ni Sandy habang nagpapakilala ng sarili sa teacher ang malas na nakaupo sa unang row. "Nacu-cute-an ka ba kay Sir? Ang cute niya, no?"

"Kahit hindi mukhang Koreano?" Ang depinisyon kasi ng guwapo kay Sandy ay 'yong singkit ang mga mata, walang double eye lids, maputla ang balat at tanong ng tanong ng "ano 'yong sa 'yo."

"In fairness, 'no?" bulong ni Nadine. "May hitsura si Sir."

"Anong may hitsura lang?" pabulong na kontra ko. "Lumalabo na 'yang mata mo kakabasa sa wattpad, beh. Ang guwapo kaya."

Tumingin sa akin ang dalawa.

"'Uy, first time niyang naguwapuhan," namamanghang puna ni Nadine.

"Oo nga. Crush mo?"

Pakiramdam ko, nag-init ang mga pisngi ko. "Hindi, no! Allergic ako sa mga Inglesero't sosyal. Kita mo nga 'yong bag, LV."

"Baka 'Lumang Vag' lang din 'yan," bulong ni Sandy. "Hindi naman ganoon kalaki ang suweldo ng mga teachers, 'di ba? Paano siya makaka-afford ng ganyan kamahal?"

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon