St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso Mo

St. Catherine High 2: Eh Di Sa Puso Mo

4.4K Reads 130 Votes 10 Part Story
Rebel Fiction By rebfiction Updated Jun 02, 2016

Hi! Ako si Alex. Ako 'yong kaibigang hindi mo makakausap nang matino kasi madalas pipiloposopohin o babasagin ka. Ako 'yong mahilig gumamit ng mga salitang kalye at nauuso sa ngayon. 'Yong ang least favorite school subject ay English. 'Yong makikita mong madalas na nasa tabi ng streetfood cart at kumakain ng isaw. 'Yong ang nakalagay na workplace sa Facebook profile ay "Eh di sa puso mo." Ako 'yong sinasabi nilang jologs.
Oh, eh di sige. Jologs na kung jologs. Komportable naman ako sa sarili ko. Hindi tulad ng mga conyo at mga trying-hard sosyalerang kung maka-Ingles, wagas. 'Di ko sila trip.
Pero nang dumating ang bagong English teacher naming cutie pie at sosyal, biglang naalog ang mundo ko. Tinamaan ako. Sapul, eh. Kaya bigla, nagdesisyon akong mag-transform mula sa pagiging jologs sa pagiging conyo. Gusto ko kasing mapansin ako ni Sir. Pero ang hirap palang magpaka-Inglesera at conyo. Lalo na kung merong asungot na bumabasag ng trip ko.
Peste 'tong si Jake. Pinagtatawanan at nilalait niya lang ang effort ko na magbago. Siya 'yong mapang-asar na classmate na rich kid pala pero trying hard na maging jologs. Ano namang trip ng isang 'yon?

  • catherinehigh