Chapter 31: He's here

32 0 1
                                    

I dreamed about him last night. I-

I forgot what I dreamed of but I'm 101% sure that it was him there...

I saw him smiling. Seeing him smile, it's as if i'm staring at an angel. Heaven is a place on Earth with Jairus.

I was madly in love with that guy.

I surely was...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Araw ng debut ni Justine. Umaga pa lang naghahanda na siya sa hotel na venue ng party niya. Busy na busy siya habang si Tori naman ay tulog na tulog pa rin hanggang sa mag tanghali na hindi pa siya bumabangon. Napuyat siya habang kausap sa Skype si Cyrus.

Tinawagan ni Justine ito dahil knowing Tori, eh malamang hindi pa ito nakakapaghanda para sa party.

"Te! Naligo ka na ba?"

"Uhh..hmm..oo.. Later."

"Natutulog ka pa rin? Tanghali na!"

"Tsk. 10minutes"

"10 minutes? Ang alam ko wala ka pang susuotin." Nanlaki bigla ang mga mata ni Tori. Dahil oo. Wala pa siyang dress para mamaya. "See? Get up now! Go shopping! Kasama mo si Cyrus mamaya so better be prepared and be gorgeous. But not too much! Debut ko to. Wag mo ko sasapawan ng ganda mo okay?"

"Haha. Isn't that like.. admitting that I'm prettier? Joooke! Maliligo na ko. See you later. Happy birthday again by the way."

Nabati na ni Tori ang bff noong eksaktong 12:00:01 am. Isa pang dahilan ng pagkapuyat ni Tori ay dahil sa tinapos nito ang ginagawang scrapbook na regalo niya sa celebrant. Naisip ni Tori na hindi sapat ang scrapbook para iregalo kay Justine, kaya nagmamadali na tong nagpunta ng mall. Bukod sa dress, naghahanap ito ng maireregalo kay Justine.

Tumatawag ulit si Justine.

"Hindi ka naman clingy niyan? Or maybe you're just too excited for your party?"

"Hmp. Nasaan ka na? Gusto mo punta ka na dito sa hotel and then sabay kasaken magpa-ayos?"

Gusto ni Tori ang idea na yon dahil hindi siya magaling mag makeup pero kelangan pa niya makabili ng regalo at damit.

"Uhh hindi na. Diba ayaw mo masapawan ka? Pag naayusan ako like you iisipin nila ako yung debutant."

"What a friend! Sige basta wag ka mag ayos masyado okay? Byiee"

Tori checked her phone, she got 4 texts all from Cyrus.

'Hey! Gising na!'

'I can hear your snoring from here. Wake up! You've got a party to attend later'

'Wake up na kasi'

'Hay nako. I'll pick u up later so wait for me okay?'

Napangiti si Tori sa pagiging clingy ni Cyrus. She's sort of expecting an i love you though.

Napadaan siya sa isang perfume store at naalala niya one time na nagpapabili si Justine sa daddy nito ng panibagong pabango dahil nauubos na ang gamit nito. Nag-ikot ikot pa siya at may nakita rin siyang dress na gusto niya. Sinukat niya to. It's very chic and gives her this sexy look. Perfect. Ano kayang reaksyon ni Cyrus pag nakita niyang suot ko 'to? -She thought.

She went home to prepare. At dahil makakasama nga niya si Cyrus mamaya hindi siya mapakali kung anong hairstyle at makeup ang gagawin. Syempre gusto niya mag paganda. Mas maganda. Sa huli naisip niya kulutin ang buhok at ibraid ito. Pagkatapos ay naglagay lang natural makeup pero naisip niya na mas babagay sa damit niya kung gagamit siya ng red lipstick.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The First Love BasisWhere stories live. Discover now