Chapter 29: What's wrong with that?

57 0 0
                                    

~~~~~~~~

Ipinakilala ni Cyrus si Tori sa buong pamilya niya. BUO. As in lolo, tita, tito, pinsan, anak ng pinsan, etc. Proud na proud ito habang ipinapakilala ang babaeng mahal niya. 

Mahal? 

Oo, narealize ni Cyrus na mahal na niya si Tori dahil ang isip niya kanina ay gulong-gulo nung nakita niya na may kasamang lalaki si Tori. Noong una ay parang wala lang sa kanya ito, pero napagisip-isip niya na hindi malabong maraming lalaki ang maghabol kay Tori. Hindi nga naman talaga malabo yun! Sa gandang babae ni Tori? Kahit tumayo lang siya sa isang sulok may lalapit talaga sa kanya kapag nakita siyang nag-iisa. Mukha kasi siyang mabait kahit masungit talaga siya. 

'Dating manliligaw, si 6 ay dating manliligaw lang pala! ', he said to himself. Tuwang tuwa siya nang sabihin ni Tori kung sino ang kausap niya kanina, si AJ. Napangiti siya sa loob loob niya.

Meanwhile, si Tori naman ay hindi maalis ang ngiti sa mukha. Unexpected tong nangyayari sa kanya, parang de ja vu ang nangyari. Ipinakilala ulit siya ni Cyrus as girlfriend nito, this time sa buong angkan.. Pero di niya magawang maging masaya ng lubos tulad ng pinapakita niyang mga ngiti, dahil una sa lahat hindi naman talaga niya boyrfriend si Cyrus at hanggang ngayon iniisip pa rin niya kung sino ang kasama nito kanina lang.

"By the way Tori, anak, Cyrus said you couldn't make it today. We're so glad to have you here", Cyrus' mom said as she gave her a sweet motherly smile. Tori smiled back, "No tita, i mean mom. Thank you din po." She then, glares at Cyrus giving him the WTF-look.. 

She saw the guilt in Cyrus' face. Naisip niya na kaya di siya inimbita ni Cyrus ay dahil kasama nito ang babae kanina, baka ung babae na iyon ang talagang ipapakilala ni Cyrus sa pamilya.

"Kai, I didn't know you have a great taste in women. Mana ka pala saken iho! Aabangan ko magiging apo ko sa inyo, sigurado akong maipapatuloy ninyo ang maganda nating lahi", banat ng lolo ni Cyrus at ngiting-ngiti sa dalawa. Nagtawanan naman ang ibang nakakatanda sa pamilya at pagtapos ay ininterview si Tori tungkol sa buhay, pamilya, beauty secrets at kung ano ano pa. Pinuri naman siya ng mga ito, gusto na talaga siya ng pamilya ni Cyrus.

Hindi siya kumain ng madami, nawalan siya ng gana. She excused herself from the family and went outside the fancy restaurant. Hindi niya alam sinundan siya ni Cyrus sa labas. Kanina pa napapansin ni Cyrus na inis si Tori, buti na lang busy sa usapang matanda ang pamilya niya pero sabagay sa lahat ng nandoon siya ang nakakakilala sa ugali ni Tori. 

"Ang konti ng kinain mo." Napalingon siya ng konti sa likuran niya pero enough para makita niya si Cyrus mula sa gilid ng mga mata.

Nainis lang to lalo, sa lahat ng dapat ipaliwanag ni Cyrus sa kanya ayun lang ang sasabihin nito?

"Pake mo?"

['Oh shit. Galit siya!'] -- in Cyrus' mind.

"Libre na nga dinner ayaw pa." Lumapit siya sa tabi ni Tor. Ang sama na ng tingin ni Tori sa kanya nakataas pa ang isang kilay.

[Okay, maling mali yung sinabi ko. Fuck sht.]

"Wow! Ano akala mo saken walang pambayad ng dinner? Well ikaw na rich!" Kumuha to ng isang libo at sinalampak sa dibdib ni Cyrus. Bumalik si Tori sa loob at nagpaalam sa pamilya. Nakita ni Cyrus na nakatingin sa kanila ang ama niya na para bang kanina pa sila napapanood. Lumabas ito ulit at nilagpasan si Cyrus na nakatayo lang doon.

[Ano kayang problema nun? Meron ba siya? Big deal ba  yung di ko pag invite sa kanya? I did that  because I know for sure that she got a date for Pete's sake! Ako pa ba ang may kasalanan?]

The First Love BasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon