♡chapter♡3

1 0 0
                                    

NATE POV
Woooh ako ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo
"Yess!!!!!"sigaw ko sa loob ng kwarto ko
Agad kong tinawagan ang mga kabanda ko
"Hello pare sinagot na ainne"nakangiti kong sabi
[Talaga congrats] sagot nya sa kabilang linya
"Punta kayo dito at mag celebrate tayo"
[Makakaasa ka pare]hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman kong saya
"Salamat"agad ko itong pinatay
Pagkarating nila nakita kong napakasaya nila para sa akin kahit ganon ang mga yan

"Pare easy ka lang nandito tayo para mag celebrate dahil girlfriend mo na si ainne
At ang masasabi ko sayo napaka swerte mo "sabi ni lean
"Ano pang hinihintay natin inuman na!!!"sigaw ni mike
Kahit kailan talaga oh napaka lokoloko ni mike sya ang pinaka maingay sa grupo at pinaka playboy sumunod si lean at si tyro pinaka tahimik naman si brian
Hindi na kami pinansin ni mama dahil alam ko masaya sya para sa amin ni ainne

Pinauwi ko na sila dahil marami na silang nainom nagpasalamat naman ako sa pagpunta nila

AINNE POV
Ang saya saya ng gising ko at iniisip parin ang mga nangyari kahapon
Agad akong naligo at nagpalit
Pagbaba ko nakita ko na agad si nate na nakaupo sa aming sofa
Nung nakita nya ako agad syang tumayo
"Good morning"nakangiti nyang sabi
"Good morning din"ngumiti ako

"Ma punta na kami"paalam ko kay mama
"Hindi ka na ba mag almusal?"tanong ni mama
"Hindi na po sa school nalang"
"O sige ingat kayo"

~school~

Pagpasok namin agad na pumunta si nate sa harap
"Ainne is now my officialy girlfriend.....kaya pag may lalapit sa kanya malilintikan sa akin"bigla akong namula
Ano bang ginagawa nya nakakahiya

Nakanganga lang ang iba ang iba naman ang sama ng  tingin at ang iba kinikilig pa!!

Hindi nalang ako umimik
Pagdating ni ma'am rea umupo na sila at pinag partner na kami para daw sa activity
Partner kami ni nate
Lean-sofia
Mike-coleen
Tyro-sandra
Brian-bianca
Sila lang ang sabihin ko bahala na sa iba

Bukas daw kami mag activity
Ang natitirang oras sa klase ni ma'am rea ay pang practice
Haha presentation kakanta
Napag usapan na namin pero secret muna

Pagkatapos naming nagpractice agad kaming
Pumunta sa canteen para mag meryenda

Si nate ang bumili ng pagkain namin
Napapansin ko nga mas lalo syang naging masayahin
"Lets eat"ani nate at agad na umupo mag kaharap kami ng upo
Sinusubuan ako ni nate at sinusubuan ko naman sya
Half day lang ang pasok kaya maghapon kaming nasa library ni nate
Minsan ka pinapagalitan na kami
"Punta muna ako mag cr ha dito ka lang"sabi ko
"Ok"nakangiti nyang sabi
Habang ako ay naglalakad nakita ko nanaman si A na may kasamang babae na pumasok sa room at parang sila ay nag aaway
Dinikit ko ang tenga ko para mas lalo kong marinig
"Ano ba?! bakit ka ba nagkakaganyan?!"pasigaw pa yung babae na nagtanong
"3words 11 letters"sabi nalang ni A
Hindi ko namalayan na nakalabas na sya at nakita nya akong nakikinig sa kanilang pinag usapan
Yumuko nalang ako sa hiya ko
Naglakad sya palayo
Nakita ko rin yung babae na nakatingin sa akin habang umiiyak pagkatapos agd nyang sinundan si A
"Babe nandito ka lang pala"paglingon ko si nate
Nagulat ako sa pinangtawag nya sa akin
Marami nanaman ang nagbubulung bulungan
"Huy wag ka ngang ganyan kinikilig ako ee"sabi ko dahil namumula na yung pisngi ko
"Ang tagal ko kasi kaya hinanap kita"sabay wink
Pinanglakihan ko sya ng mata
"Hhihi sorry"alam na nya siguro ang dahilan kung bakit ko sya pinanglakihan ng mata
Kasi malapit na akong mamatay sa kilig at kaba

"Tara balik na tayo sa library"
"Ok"sabi nya nalang

~library~
"Bakit?"sabi ko dahil halos matunaw na ako sa titig nya
"Wala ang ganda mo kasi"pang bobola nya
"Sus bolero.....baka naman matunaw ako nyan"sabay tawa ko

"Ssshh wag ka maingay papagalitan tayo"sabi nya
"Ee ikaw kasi ang nagsisimula"bulong ko
"Haha"sabay kamot sa batok
"Magbasa ka nalang"
"Haha ayoko nakaka boring magbasa"
"Ikaw talaga wala kang hilig magbasa"sabi ko
"Ayaw ko lang kasi"bulong nya
Ngumiti nalang ako

"Baka matunaw ako?"hindi kasi ako maka concentrate dahil titig na titig sya sa akin
"Ay balita ko sa.mga barkada mo na malapit nang uuwi pinsan mo"at hininto ang pagbabasa
"Oo nga ee mang aagaw pa naman yun"ha! Anong ibig nyang sabihin
"Baka naman hindi"sus tinatakot naman nya ako
"Kung mong maniwala di wag"nagtampo kaagad
"Naniniwala ako"
"Wag kang lalapit sa kanya.....magseselos ako"
"Oo naman sinabi mo ee"sabay tawa ng mahina
"Tara na uwi na tayo"sabay kaming tumayo
"Tara baka magbihan pa tayo sa pag uwi"naglakad kami palabas
"Bukas na pala presentation pero isa isa daw sa isang araw"haha di maganda
Tumangi lang ako
Hala ang sama ng tingin nila o
Grabe malapit na akong pag kapehan dito huhu
Yumuko nalang ako

Nakwentuhan kami ni nate habang naglalakad
At hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa bahay
"Salamat sa paghatid"ngumiti ako
"Basta para sayo"nag wink pa sya
"Sus ang bait naman ng gwapo kong boyfriend"haha namula sya
Agad syang tumakbo paalis at sumigaw ng yes!!
Haha tinotopak grabe ang lakas ng tama  nya

Pagpasok ko nakita ko si mama na ang lalim ng iniisip
"Hi ma"sabay halik sa pisngi
"Oh nanjan ka na pala anak"agad syang tumayo
"Ang lalim ata ng iniisip ng mama o ha?"sabi ko
"Wala to anak pagod lang siguro ito"umiiwas ng tingin si mama sa akin
"Ganon po ba"
"Sige ma akyat muna ako"ani ko
"Ok sige anak bumaba kaagad at kakain na tayo"sabi ni mama

RITA POV(mama ni ainne)
Hay kailan ko kaya sasabihin kay ainne na kailangan ko na rin magtrabaho sa ibang bansa at kakailanganin ko iyon dahil malapit nang makuha ang bahay
Oo naibenta na namin ang bahay ng papa nya pero iniisip ko kung saan titira si ainne

Ang isipin ko muna ngayon ang kapakanan ni ainne maayos naman ang kalagayan ni harvey sa italy
Hay ang hirap ng buhay

Agad kong inayos ang mga plato
Baka mamaya darating na si ainne makita pa akong ang lalim ng iniisip
Hay bakit ganito ang buhay namin ang daming pagsubok

AINNE POV
Bakit kaya iba ang kinikilos ni mama
Baka dahil lang sa pagod

Pagbaba ko nakaayos na ang lahat nandoon na rin si papa
"Hi pa kumusta ang trabaho?"nakangiti kong tanong
Nagkatinginan sila ni mama
Ngumiti naman si mama kay papa
"Ayos lang naman anak"sabi ni papa

Nagsimula na kaming kumain tahimik lang sila mama at papa

Pagkatapos naming kumain nag boluntaryo na akong maghugas ng plato para hindi na masyado mapagod si mama

Pagpasok ko ng kwarto agad kong kinuha ang cellphone ko
Pagtingin ko nakita ko ang dami ng txt at misscall ni nate

Hindi talaga makapaghintay itong mokong na ito
Nate
Hi babe:)

Nate
Bakit hindi ka nag t'txt?

Nate
Galit ka ba?

Nate
Sorry na kung may nagawa man ako

Nate
Huy babe

Nate
Txt ka lang kung hindi ka na galit

Me
Hoy mokong hindi ako galit no .hindi ka lang kasi makapaghintay naghugas kaya ako ng plato

Nate
Ay akala ko hehe

Me
Hehe ka jan
Biglang tumunong ang cellphone ko
"Hello!"sigaw ko
[Huy sorry na]
"Bakit galit ba ako!!"sigaw ko
[Oo nga ee sumisigaw ka]
"Sumisigaw ako kasi ang arte mo nga ee"kunwari akong galit pero sa kalooblooban natatawa na ako kasi naiimagine ko kung anong itsura nya ngayon
[Hindi kaya]lungkot nyang sabi
"Hahaha ang dali mo naman mauto!!!!!"sabi ko na napakalakas ng boses ko
[Haha i love you♡]bilang uminit ang pisngi ko sa sinabi nya at hindi ko alam ang isasagot
"I love you too na nga"haha hindi ko alam kung paano iyon lumabas sa bibig ko at nasabi
"Sige na matulog na ako"
[Goo---]hindi na nya naituloy dahil pinatay ko na
Nagtatalon ako sa sobrang kilig at nagpaikot ikot sa kama
Nakakaasar naman hindi ako makatulog sa sobrang kilig na nararamdaman ko

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako na yakap ang cellphone ko

------
Haha ang sweet talaga nila
Yang picture sa taas yan si nate
Gwapo diba
Sorry din sa mga wrong grammars and spelling
Thankyou sa mga nagsave ng story ko
Wag kakalimutan magvote

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♡Lovely Heart♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon