"Thanks, Vicky. In time... Masasabi ko rin sayo kung bakit ako nagkakaganito."

"Ehem ehem." Sabay kaming napalingon ni Cienne at nakita namin si ate Kim. "Nakakaistorbo ba ko?" Seryoso ang pagkakasabi niya nun. Pinahid naman ni Cienne ang luha niya at natawa.

Cienne: "Mukha mo Kimtot! Hahaha!"

Kim: "Tinatawa mo? Kayo ha?! May something kayo noh? Kagabi pa kayo eh!"

Ara: "Hahaha! wag kang malisyosa kasi!"

Cienne: "Tsk. Sa kwarto ko na nga lang tatapusin tong iniinom ko. Goodnight, you two!" Yumakap siya sa aming dalawa. "I love you both!"

Kim: "I love you both, i love you both ka pa. Eh mukhang si Ara lang naman mahal mo eh! Hahaha!"

Inirapan lang siya ni Cienne at umalis na nga ito bitbit ang beer niya.

Kim: "What was that about, Pare?"

Ara: "Ano?"

Kim: "Yung yakap yakap mo si Cienne! Don't tell me..."

Ara: "Hahaha! It's not what you think! Pagpasok ko kasi dito sa kitchen nakita kong nakatulala siya at umiinom pa. Kanina ko pa nga napapansin sa party na parang bad trip eh. Kinomfort ko lang."

Kim: "Kaya siguro nakisabay sa inyo pauwi. Akala ko pa naman may something sa inyo! Hahaha."

Ara: "Wala kaya. Di kami talo ni Cienne noh. Mika lang ako forever."

Kim: "Alam ko naman yun!" Nakipag apir pa sa akin. "Pero si Riri..."

Ara: "Ano naman siya?"

Kim: "Mukha kasing mahal pa niya si Mika. Ni-warn ko na yan dati na magback off."

Ara: "Wala akong balak makipag-kumpitensiya sa kanya, Pare. Ako ang mahal ni Yeye. Wala akong dapat ikabahala."

Kim: "Tama nga naman.. Pero iba kasi ang dating niya ngayon. Di na siya ang dating Ria na mananahimik lang kapag pinagsasabihan ko. Mas mabuti pa ring ingatan mo na kung ano man ang meron kayo ni Yeye ngayon." Kumuha ng tubig sa ref. Kumuha naman ako ng dalawang baso. "Simula kasi ng bumalik siya dito, wala yung ibang ginawa kundi ang magtanong sakin kung nasaan si Mika, kung kamusta na siya, kung nagkabalikan kayo..."

Ara: "Bahala siyang magtanong. Kung gusto niya si Mika pa ang tanungin niya.."

Kim: "Yan! Dapat confident! Pero mag iingat pa rin kayo. I got your back. Kahit kaibigan ko siya. Hindi naman sa ikaw ang kinakampihan ko. Magsa-side lang talaga ako sa kung saan tingin ko ang tama."

Ara: "Thank you, Pare."

"TOOOMMMMSSSYYYYYYY!!!!!" makasigaw naman si Daks parang wala kaming mga kapitbahay.

"Oh pano Pare. Mauna na kong pumasok ah? Kaw na bahala dito. Goodnight! Goodnight na din kay FO." Nag knuckle-punch kami saka na ko pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakapamewang si Mika at gulo gulo pa ang buhok. Naka suot siya ng loose na shirt, wala siyang bra at tingin ko naka undies lang siya. Ang hot!

"Bat ang tagal tagal mo! Kanina pa ko tapos maligo. Nakapagbihis na ko. Na-prepare ko na ang panligo at pantulog mo. Nakausap ko na sina Mommy sa phone pero wala ka pa rin! Kung hindi pa ko magsisisigaw dito, hindi ka pa papasok?!"

Nilapitan ko siya at niyakap pero di niya ko ni-hug back. "Ang ingay mo naman. Dami mong sinasabi.." Inamoy ko ang leeg niya. "Hmmm.. Ang bango bango mo."

Hindi siya sumagot. Tinitigan ko siya at nilapit ang mukha ko sa kanya. I kissed her. Nagiinit na naman ang katawan ko. Bakit kasi ganito ka lakas ang epekto niya sakin? Napansin kong nadadala na rin siya sa halik ko. I made the kiss more torrid, making her give in. Napahawak siya sa mga balikat ko. Hinawakan ko ang bewang niya. Hinatak ko siya papunta sa kama. Pero mukhang mas nagiinit na siya kasi siya ang pumaibabaw sa akin. Mas naging intense na kasi sinusubukan niyang itaas ang damit niya pero hinawakan ko ang mga kamay niya para hindi matuloy yon. "Daks.." Umalis siya sa pagkakahalik sakin at naupo sa bandang ilalim ng tiyan ko. Tinaasan niya ko ng kilay at namewang ulit. "Ano na naman?"

Nothing's Better Than This (Mika Reyes - Ara Galang Fanfic)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن