Originally Written by: ImmaHellaGirl©
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, copied, or used in any form without the permission of the author.
All characters, places, and events in this story are purely fictional and are products of the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.
Some quotes and sayings that may appear in future chapters are inspired by the books The Vampire Haiku and The Werewolf Haiku by Ryan Mecum. Other vampire-related quotes may also come from William Button, and werewolf-related quotes from Christopher Johnson.
PROLOGUE
"Tumigil ka!"
Umalingawngaw ang sigaw ng isang babaeng Forest Ranger sa madilim na gubat ng BloodVille.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Alam mo bang bawal pumasok dito kapag walang I.D.? Nasaan ang I.D. mo?" muli niyang tanong habang hinihigpitan ang hawak sa flashlight.
Sa pagitan ng mga puno, isang lalaking nababalot ng dilim ang dahan-dahang lumingon sa kanya.
At doon niya nakita ang kakaiba.
Kumikislap ang mga mata nito—kulay pula.
Napalunok ang babae habang unti-unting namumutla.
Tao ba 'to... o halimaw?
Baka contact lens lang...
"Wala po akong I.D.," malamig na sagot ng lalaki. "Hindi rin naman ako magtatagal dito. May kukunin lang ako sa gubat na 'to."
May kakaiba sa kanyang boses. Malamig. Mabigat. Nakakatakot. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay kayang magpatindig ng balahibo.
"A-anong kukunin mo?" nauutal na tanong ng ranger. "Alam mo bang bawal dito?!"
Dahan-dahang lumapit ang lalaki.
Instinctively, umurong naman ang babae habang inilalabas ang kanyang baril.
"'Wag kang lalapit! Diyan ka lang! K-kung hindi, puputukan kita!"
Huminto ang lalaki.
Ngunit hindi pa rin makita ng ranger ang kanyang mukha dahil sa dilim ng kagubatan.
"S-so... ano ba talaga ang hinahanap mo rito?" nanginginig niyang tanong.
Ngumiti ang lalaki.
"Pagkain."
"May pagkain sa bayan ng BloodVille! Doon ka kumain! Wala kang makikita rito!"
"Actually..." Muli siyang humakbang palapit. "Nakakita na ako ng pagkain."
"H-huwag kang lalapit!"
Patuloy sa pag-atras ang ranger hanggang sa maramdaman niya ang matigas na puno sa kanyang likuran.
Wala na siyang matatakbuhan.
BANG!
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kagubatan.
Tumama ang bala diretso sa dibdib ng lalaki.
Natumba ito sa lupa.
Humihingal na napahawak ang ranger sa kanyang dibdib.
"Sabi nang 'wag lalapit, eh! Baliw kang weirdo ka!"
Mabilis niyang kinuha ang communicator at tumawag sa police camp.
"I-Ito po si Nancy, isa pong Forest Ranger na naka-assign sa hilagang gubat ng BloodVille. May ire-report po sana ako..."
"Bakit hindi mo ginamit ang communicator mo kanina?"
"Nawala po ako sa gitna ng gubat. At... may nakita po akong bangkay. Mukhang trespasser po."
"Papunta na kami diyan. Siguraduhin mo lang na may bangkay nga."
Lumingon si Nancy sa direksyon ng lalaking binaril niya.
Tahimik.
Walang galaw.
"Sigurado po ako," mahina niyang sagot bago ibinaba ang tawag.
Ngunit nang muli siyang tumingin—
Wala na ang bangkay.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"N-Nasaan—"
"Ako ba ang hinahanap mo?"
Napasinghap siya.
Nakatayo na muli ang lalaking binaril niya.
Buhay.
"A-Ano ka ba?! Bakit buhay ka pa?! Halimaw ka ba?! Zombie?!"
Dahan-dahang ngumiti ang lalaki habang kumikislap ang mapupula nitong mga mata sa dilim.
"Hindi ako zombie," bulong niya.
"Isa akong magandang halimaw."
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!"
— ℋELLA☆
YOU ARE READING
5 Blood Types
VampireSi Jillian Villegas ay isang ordinaryong estudyante na nangangarap lamang ng tahimik at normal na HIGH SCHOOL LIFE. Ngunit araw-araw siyang binubully ng isang malditang babae, kaya kakaunti lamang ang kanyang mga kaibigan. Isang araw, nagpunta siya...
