Chapter 10: Selos

5.1K 131 1
                                    

Saffire's POV

"Saffire, tulaley ka dyan?" Natauhan lang ako ng magsalita si Flyne at tinapik ang balikat ko.

"Ahuh?"

"Nah! Let's go na Saffire, natulala ka dyan ng abotin lang ni Mr. transferee ang ballpen mo. Anyare?" Tanong ni Channel sa 'kin.

I shook my head. At tiningnan silang lahat pero may kulang na isa.. "-Nasaan si Blake?" Tanong ko sa kanilang lahat ng maglakad kami palabas ng classroom.

Bahagyang natawa ang tatlong lalaki.

"Jellybells.." natatawang sagot ni Brent.

"Jellybells?" Nagtatakang tanong ko.

Hindi sa canteen ang punta namin, kundi sa headquarter nila dahil ayaw daw nila maulit ang nangyari kahapon. Kaya naman doon na lang kami kakain.

"Selos Saffire. Nagselos sa inyo ni Shuji.. nakita niya kasi ang palaging paglingon mo sa tatlong transferee tapos nung inabot ang ballpen mo. Grabi ka makatitig kay Shuji kaya ayon, si Blake. Walk-out king hahahaha." Natatawang paliwanag ni Liam.

"Kung nakita mo lang ang mukha niya kanina. Parang bulkan na sasabog na hahahaha.." gatong pa ni Antonio.

Eh? Seloso.. hehehe!

"Parang pinapatay na ni Blake sa tingin si Shuji kanina.." dugtong oa ni Brent.

Natawa naman silang lahat, kaya nakitawa na lang ako. Hehehe sayang hindi ko siya nakuhaan ng picture. Alam kong cute magselos ang Blakie ko! Hihihihi.

Pagkapasok namin sa headquarter ay nakita namin si Blake na walang emsoyong naka-upo sa sofa at may hawak na beer..

Napatingin ako sa mga kasama ko at sinenyasan nila ako na lapitan ko. At sila'y pupunta sa kusina para kumain. Napakamot batok na lang ako at dahan-dahang akong naglakad palapit kay Blake.

Umupo ako sa tabi ni Blake, alam kong kanina pa niya ako naramdama pero hindi niya pa 'rin ako nililingon!

I cleared my throat. "-Blakie ko.." sinundot ko ang tagiliran niya pero hindi niya ako pinansin, uminom lang siya ng beer.

I sigh. Hinawakan ko siya sa pisnge niya at hinarap ang mukha niya sa 'kin.

"Are you mad?" Nakangusong tanong ko.

"Tsk.." sambit lang nito at iniwas ang mukha niya. Sumandal lang siya at tumingin sa kabilang gawi.

Galit nga e!

"Blakie ko. I know you're mad. Bati na tayo? Please.." panlalambing ko. Pero ilamh minuto ay hindi niya ako nilingon o sinagot. Napabuntong hininga na lang ako. "-Kung ayaw mo akong kausapin. Sige, aalis na lang ako.." malungkot na sambit ko at tumayo na.

Naglakad ako hanggang sa natapilok ako. Ang tanga e!

"A-araaay!!!" Impit na sambit ko. Umupo ako sahig, hinawakan ko ang kamay ko na natapilok.

"What he fuck— Anong nangyari? Does it hurts? Tell me." Sa isang iglap ang tampurorot na si Blake ay naka-upo na sa harapan ko at hawak ang paa kong kunwari masakit hehehe. Yes! I'm just acting at hindi nga ako nabigo. Best actress goes to me! Hehehehe.

"Hihihi.." I giggled.

"Why are you giggling?" Kunot-noong tanong niya sa 'kin.

"Bati na kasi tayo.." pangungulit ko at hinawakan ko ang magkabilang braso niya.

"Tsk." Inalalayan niya akong tumayo at umupo kami sa sofa.

Yinakap ko kaagad siya. "Bati na tayo ha?" Masayang tanong ko.

TGGIGQ2: The Real BattleWhere stories live. Discover now