Bang!

123 1 0
                                    

Tahimik akong nanonood sa aking laptop sa may sala nang biglang may kumatok sa aming pintuan. Pinindot ang “Pause” na button at tumungo sa aming pintuan para ito ay buksan. Nilawakan ko ang pagkakauwang ng pinto para makapasok si Ate. Patakbo siyang pumasok at dumiretso sa kanyang kwarto at ni-lock ito. Sa kasabikan sa panonood, hindi ko na inintindi ang pag “Grand Entrance” niya.

   Nasa may eksena na ako na may nagtutok ng baril sa isang tauhan, nang may narinig akong putok ng baril. Nakakagulat. Naka-loudspeaker pala ang laptop. Hininaan ko na lang ito. Grabe din tong pinapanood ko, hindi pa namatay ang tauhang tinutukan nang baril. Hindi ko kase masyadong nakita ang eksena dahil sa gulat kaya siguro ako nagtaka.

  Maya maya, lumabas si Mama mula sa kanyang kwarto, pumunta sa kusina at sa sala.

“Ate mo, andiyan na ba?”

“Opo, nasa kwarto.”

“Kanina pa ba sya dumating?, hindi pa kase nagagalaw yung natirang pagkain dun”

“may isang oras na siyang dumating, baka tulog lang yun”

   Pumunta si Mama sa Kwarto ni ate at kinatok ito,

“Nilize, kumain ka na… anong oras na oh… “

   Nakalimang beses na si Mama nang katok at pag-sigaw sa harap ng kwarto ni ate at habang tumatagal ay lumalakas din ito. Bigla kong naalala ang dramatic entrance niya at ang putok ng baril, na kinabilis ng tibok ng puso ko.

   “Ma, kunin mo na yung susing duplicate sa kwarto ni ate, buksan na lang natin ang pinto.”

  Pagkabukas naming nang pinto ay nakita naming si ate na nakaubob sa study table niya. Nakatulog ata. Perooo. May kakaiba sa amoy ng kwarto. Lumapit ako. Nakalapat ang ulo niya sa isang papel na may sulat at may bahid na nang pulang likido. Katabi ng ulo niya ay ang ballpen. Ginawa niyang unan ang kanyang kaliwang kamay at ang kanan naman ay naka-tutok pababa at may hawak nab aril.

   Tulog na nga si ate. Tulog na habang buhay. Hindi na niya makakain ang tinirang pagkain para sa kanya. Sayang naman, paborito niya pa man din yun.

Silakbo ng Damdamin, Malikot na IsipanWhere stories live. Discover now