Nakapaikot sila sa ring..

Boxed out na ang mga kalaban at walang makalapit..

Sure na sa kanila ang rebound..

Tumalbog ang bola sa ring at nag bounce ito patungo sa pwesto ni Zack..

NApangiti sya..

Buong pwersang tumalon ang binata.

Nakuha nya ang bola..

Pero nagulat sya dahil pagbagsak nya..May taong nakaabang sa babagsakan ni Zack..

Sinubukan nyang kontrolin ang sarili..

Nagtagumpay syang iiwas ang katawan sa direktang pagtama sa taong nakaabang sa baba nya..

Dahilan para lumagpak sa sahig si Zack..

Nagsigawan sina Denzel at ang iba pa.

"Tangna mo Brix !.. Papatayin mo si Zack !.." sigaw ni Denzel..

Mabilis na nilapitan ng kaibigan nya si Zack.

.

"Pare.." tanong ni Denzel.

Ngumiti si Zack..

"Okay lang pre.. Pwet ko yung unang tumama.." palusot nya..

Pero ang tutoo ay balakang nya ang unang lumagpak sa sahig..

Galit na kinwelyuhan ni Denzel si Brix na tulala din sa di kalayuan.

Akmang susuntukin nya ang binata ng sumipol ang coach.

"Guys guys.. Denzel.. Tama na yan.. Di nya siguro kasalanan.." saway nito.

.

Gigil na gigil si Denzel..

“Sinadya nya yon Coach.. May galit talaga ito sa kaibigan ko..” sigaw nyang muli.

Agad pinagitnaan ng ibang manlalaro sina Denzel at Brix.

Tulala lang ang binata na nakatingin kay Zack ..

Di nya gustong mapahamak ang binata .. Ang nais nya lang ay agawin ang bola pagtapos ma rebound ni Zack.. Naisip din nya na patirin ito pagtapos.. Pero sa di inaasahang pangyayari.. Na sahod nya ang binata.

Pero sa una lang sya nagsisi.. Sa nakikita nyang paghihirap sa mukha ni Zack.. PArang naging gantimpala sa kanya ..

Ngumisi sya..

Kumunot ang noo ng Coach..

“Brix Palomar.. Magpaiwan ka .. Guys tapos na ang laro... Walang nanalo... You can all go home.. Tulad ng sinabi ko.. Maiwan ka Brix..” ma-autoridad na utos ng Coach..

Galit na dinuro ni Denzel si Brix.. Pero di sya pinansin nito..

Nakasingit si Sab sa naglalakihang players.. Nanlaki ang mga mata nya ng makita si Zack na nakahiga sa sahig..

Dinamba nya ang binata.

“K-kuyaa !..” tili ni Sab..

Napangiti si Zack.

Agad nyang inayos ang mukha para magmukhang di sya nasaktan..

"Oy !.." natatawang bati nya.

Di maintindihan ang nararamdaman..

Kaninang pagkakita nya sa pagbagsak ni Zack ay parang nahulog ang puso nya..

Natulala sya ng ilang saglit..

Ngumiti si Zack..

Pinilit ang sarili na maupo..

Napangiwi ang binata.. Kailangan nyang tumayo..

Zack and Sab ( Original Story ) by ToyantzWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu