Chapter 26

6.4K 182 7
                                    

Hindi ako naka pag-live kanina sorry sa mga naghintay! Hina ng connection ~T_T~ Sorrrrry!

~*~

At dahil sabado ngayon hindi ako pupunta sa Company, nai text ko na rin si Renz na hindi ako makakapasok dahil aalagaan ko si Hikira. Nasasanay na din ako na wala si Psyche, magtwo-two weeks na at babalik na siya soon. Hindi ko alam kung anong iniisip nun ngayon kung bakit hindi niya ako ma contact, sa totoo lang yung dati kong cp lang naman ang sira. Yung simcard naman ayun ehte'estrong ang buhay pero nagpasya akong hindi yun gamitin kasi hindi pa ako handang kausapin si Psyche.


Nakatambay ang dalawa kong kuya dito sa bahay namin aba malay ko kung bakit pauso ang mag kakambal na tae eh!



"Asan ang pizza?" -Diniel


"Hoy asan yung kanin dito?!" sigaw ni Kuya Daniel


Irita ko silang hinarap, at dinuro. "Kayong dalawa! Kung pumunta lang kayo dito para guluhin ako, o para ubusin ang pagkain sa ref namin? mas magandang lumayas na kayo! Hindi ako kumukupkop ng palaboy!"



"Ang hard mo Fran! Parang noon lang umiiyak kapa sakin mabigyan lang kita ng yakult!" nagtatampong sagot ni Kuya Daniel




"Aba! Wala akong binibigay sayo! Kutos pwede pa kaya hindi ako magu-guilty dito!" tatawa-tawang sapaw ni kuya Diniel inirapan ko na lang sila at binalingan ko ang anak kong bagong ligo dinadamitan ko na kasi ito.


"Fran medyo antaba ng tyan ni Hikira! Diet naman!" bulalas ni kuya Diniel agad ko siyang sinabunutan



"Bata yan! Bata!"



Umiling na lang sila habang pinapanuod akong ayusan si Hikira amaze na amaze pa ang dalawa kesyo ang galing ko daw. Abnormal talaga! simpleng pagpapasuot lang ng diaper magaling na daw?! Palibhasa mga Bobito.



Natapos ko na ang dapat tapusin sa bahay napatulog ko na din si Hikira pero ang dalawa nakatunganga pa din. Medyo kinukutuban na rin ako kung bakit sila nandito kaya agaran ko na silang kinompronta.


"Alam kong may sadya kayo sakin, spill it."


Mukhang nabigla silang dalawa dahil nagkatinginan pa ito pero agad na sumuko sakanilang dalawa eh si Kuya Diniel. Kahit kelan talaga....



"Galing mo ah? Pwede ka ng maging detective." ngising banggit nito tinaasan ko naman siya ng kilay, bolero.




"Detective my ass, ano nga!"


Ngumiwi naman si Kuya Diniel at siniko sila kuya Danile hanggang sa mag-espadahan na sila ng siko nila kaya agad akong nabwisit!



"ANO NGA KASI!!!!"


"Daniel!"

"Diniel! ano ba! kuya ako masusunod ako sa ayaw at gusto mo!!"


"Aba kapal ng mukha mo! Nauna ka lang ng 19 seconds! Ikaw na diba sabi mo kuya ka?! edi ikaw na-------



"DANIEL! DINIEL! SERYOSO AKO! UMAYOS KASI!"




Sabay silang napabuga sa hangin at biglang pumungay ang mga mata, literal. AS IN.




"Y-Yung Asawa mo."



Agad akong napatayo sa gulat, si Psyche?! Anong nangyare kay Psyche?!



"Anong nangyare kay Psyche kuya?! Sumagot ka?!!! sabihin mong okay lang siya!!! Sabihin mo!!" napiyok na ako ng sabihin ko yun pero nagpatuloy pa rin ako sa pagyugyog sa balikat nilang dalawa






"H-Huminahon ka nga Franshezcka! Walang nangyareng masama sa Asawa mo!!"



Agad akong natigilan at after seconds nakahinga ako ng maluwag kaya tinigil ko na ang pagyugyog sakanila kaya nagusot ang mga polo nito.



"Tamo! Nagusot oh! Pina-plantsa ko pa to kay Manang eh!" iritadong bulalas ni Diniel sabay pagpag sa polo niya na mesyo nagusot, kahit kelan ang ang arte!




Hindi ko na pinansin ang mga side comments niya sa 'gusot' na nagawa ko, putak to ng putak sa gilid ni kuya kaya pinilit kong hindi siya pansinin at si Kuya Daniel lang ang pinapansin ko.





"Tumawag kasi ito..Malapit na daw siyang umuwi, at......Galit ito sayo."




Automatic na kumabog ang puso ko hindi dahil natakot ako na galit ito sakin.



Dahil, nagtataka ako kung ano ang ikagagalit niya saakin. Eh siya nga tong harap-harapan kung tumira ng babae. Sige nga?!



Hustisya please?!

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon