Chapter 18

6.3K 182 13
                                    

Pagebeg is Complicated. :/

~*~

"Nagugutom kaba Sweety? Anong gusto mo?"


Gusto kong sagutin mo yung tinanong ko sayo kanina sa sasakyan Psyche! I need your answer.

"Wala.."


Kumunot ang noo niya at ngumuso, Oo tinatry niya ng magkaayos kami at gusto ko ang ginagawa niya. Pero ang ayaw ko is, hindi niya sinagot ang tanong ko sakaniya kanina. Ganun ba kahirap sagutin yun?



"Tsk! Napapadalas na yang hindi pagkain mo ah.. Baka mapano ka nyan!"


Oo eh, napapadalas yung pagkirot ng puso ko dahil sayo...Nakakasama rin kaya yun?

"Okay lang..Kaya ko ang sarili ko."


Ang galing mo talagang magsinungaling Franshezcka! Asan ang taray mo ngayon? Asan ang pambabara mo ngayon? Ano Nganga pagdating kay Psyche?



"Mawawala pa naman ako ng 2 weeks natapos na kasi ang Project na ginagawa namin ni Pinky at sa susunod na araw pupunta na kami sa Davao para i-set ang project."



Hindi ko alam kung matutuwa din ako dahil sawakas tapos na ang trabaho nila malalayo na ang Asawa ko sa malanding higad na yun, Oh maiinis dahil 2 weeks siyang aalis at wala sa tabi ko at kasama pa niya ang Pinky na yun.



"T-Talaga? kayo lang?"

Tumaas ang kilay nito at natawa, "Silly...Syempre kasama namin si Dad at iba pang staff..Bakit selos ka?"


Namo Psyche matagal na akong nagseselos kinikimkim ko lang! Kelan kapa naging manhid?!

"Hindi noh...Nag-aalala lang." mukha mo Fran! Sinungaling.



Umismid naman ito at tumango-tango, "Mamimiss ko kayo ni Hikira dun...Gusto mong sumama?"


Nabuhayan ako ng loob pero muli ding napawi yun, "Hindi na...Baka makaistorbo lang kami i mean ako dun ikaw kung gusto mong isama si Hikira."


Yan na siguro ang pinaka bobong sin-suggest sakaniya. Gusto ko sanang bawiin kaso baka mapaghalataan ako. Na nagpapapilit!



"Really? Hmm..Gusto kong isama si Hikira kasi namimiss na siya ni Pinky eh.."

Pwedeng magmura?! Yung malutong?!


"T-Talaga c-close sila?!" tanong ko habang nakatitig kay Hikira, gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko shiz!




Tumawa naman ito "Oo naman."




Mahal pa ba talaga ako ni Psyche? Napapadalas na ang pagsambit niya ng pangalan ng Pinky na yun ah at ngayon dinadamay niya pa si Hikira.. Ayokong mahiwalay sa anak ko pero.....Abnormal ako eh!



Kaya lumipas ang gabi na lutang ako dahil sa sinagot ko. Grr! Ayoko parang gusto kong sumama pero gusto ko ding magpa-miss! Waaaaah!!!

"Pano ba yan alis na kami ni Baby?" naka ngising banggit ni Psyche sakin kasama niya kasi ako dito aa Office niya at nandito na din ang Pinky na yun. Nanliit tuloy ang mata ko, mukha silang pamilya tangna.




"S-Sige...I-Ingat kayo dun." tangang bulalas ko, ngumisi naman sakin si Pinky gusto ko siyang sabunutan kaso wag na lang....Binalingan ko ang anak ko na naka-kagat sa labi niya malaki na ito kumpara noon 4 months na kasi ito at madaldal na din.. Ambilis nga eh..



"Bye bye baby....Wag mong kakalimutan si mommy ah?" bulong ko ngumiti naman ito gawa para magtubig ang mata ko




"Okay okay....Bago kapa umiyak, aalis na kami!" natatawang saad ni Pinky sinamaan ko siya ng tingin



"Oo na iingatan ko ang mag ama mo don't worry!"

Sinamaan ko siya ng tingin wala naman akong sinabi ah?!


"No thanks! Kaya nila ang sarili nila, Psyche!" sigaw ko ngumisi lang ito at tumango sinabayan ko sila hanggang sa pagbaba sa building silang tatlo lang ang dadayo sa Airport doon na sila magkikita ng dad ni Psyche. Nanlumo tuloy ako, dapat pala hindi na ako nagpabebe.. Dapat sumama na lang ako!



"Babye!" -Psyche

"Goodbye Psyche..." mahinang bulong ko at tinitigan silang tatlo, nagtatawanan pa ito....Ansakit.....Ansakit!


Napayuko na lang ako habang hinahayaan ko ang pag-agos ng luha ko.



"Masyado kang maganda para umiyak."




Napa-angat ako ng tingin sa isang lalaki na may pamilyar na mukha...S-Siya yung lalaki na muntik bumangga sa sasakyan ko at siya yung lalaki sa elevator na nakangisi! A-Anong ginagawa noya d-dito?!

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon