Minsan ba ay naranasan mo nang magkagusto sa isang tao?
Sa isang hearthrob kumbaga. Crush na crush mo siya, at ikaw pa mismo ang nangunguna o ang presidente/leader ng mga fanclubs niya. Ikaw pa ang nagpupuyat gabi-gabi para lang gumawa ng banner para sa kanya dahil may laban siya sa basketball, dinamihan mo pa ng hearts, nilakihan mo din talaga ang banner na nagmumuka nang billboard. Laman siya ng panaginip mo gabi-gabi, lagi ka pang nag di-daydream sa kanya. Pinapangarap mo na sana siya ang mapapangasawa mo balang araw, lagi mong iniisip ang magiging wedding niyo pati na rin ang honeymoon. Maiisip mo kung ilan ang magiging anak niyo at ang mga pangalan ng mga ito.
Kaso isang araw, malalaman mo na lang bigla na lilipat na siya ng paaralan. Oo lilipat na siya, siyempre mabibigla ka. Mapapa nganga ka na halos umabot na sa lupa ang baba mo. Mapapa 'what' ka din ng ubod ng lakas na halos madinig na ng buong paaralan.
At mas lalong guguho pa ang mundo mo na umiikot lamang sa kanya nang mabalitaan mong ang dahilan pala ng paglipat niya ay dahil ayaw na niya sa pagiging hearthrob/varsity player niya sa paaralan niyo. Ayaw na niya sa buhay na maraming fangirls. Ayaw na niya dahil----bakla siya. Oo, isa siyang bakla, baklush, binabae, o sirena. Siyempre naman biglang bigla ka, halos malunok mo na ang kutsarang hinahawakan mo dahil kumakain ka 'nung malaman mo ang balita. Para kang binagsakan ng limang hollow blocks tapos pinatungan pa ng refrigerator, T.V, washing machine at lahat ng kagamitan niyo sa bahay. Hindi mo alam kung anong mararamdaman mo, halos mabaliw ka na, kulang na lang ay isuko mo na mismo ang sarili mo sa Mental.
Pero susukoan mo na lang ba siya? Dahil baklush nga siya at di kayo talo?
Wala na. Halos di na gumagana ang utak mo, para na itong lumang C.D na sira na kaya paulit ulit nalang sinasabi na 'bakla siya. Bakla siya. Bakla siya' and so on.
Pero syempre, baliw na baliw ka sa kanya kaya susundan mo siya sa pinasukan niyang bagong paaralan. Desperada ka eh.
Eh ano nang gagawin mo? Maghuhubad ka sa harapan niya para bumalik ang pagkakagusto niya sa mga babae? Tapos marerealize niya na di pala siya bakla? Ganern? Pero hindi eh. Bakla siya at di mo na mababago iyon.
Tapos, makikilala mo si Kupido, isang facebook page. Hihingi ka ng advice sa kanya. Sinabi mo ang problema mo tungkol sa bakla mong crush. Pagkatapos, magrereply siya and guess what? -- matutulungan ka niya sa problema mo.
Pero pano kapag umabot na ang panahon na sinasandalan mo na siya? Pero isa lang siyang hamak na facebook page.
Pero sino nga ba siya? Sino ba si Kupido? At ano ang magiging papel niya sa lovelife mo with your baklush crush?
Humanda ka na. Dahil siguradong 'di magiging normal ang lovestory mo.
Hello. Hi!
Kung binabasa mo ito ngayon ibig sabihin nabasa mo na ang Prologue na nasa taas, at kung nabasa mo na nga ang Prologue edi ipagpatuloy mo na. Haha. Nasimulan mo na eh, so go na, basahin mo na ang mga chapters na naupload ko na. Hahahahaha! Di ako demanding ah! Joke lang po yun! Haha peace tayo.
Mag enjoy po sana kayo sa pagbabasa :)
At kung may mapupuna man kayo na mga kahit anong klaseng errors,grammatical man yan o ano pa ay sabihin niyo po sa'kin para naman po maitama ko :D
Thank you po! :)
_____________________________________
This is a work of fiction. The characters, incidents, and dialouges are products of the author's imagination and are not to be constructed as real. Any resemblance to actual person, dead or alive, is entirely coincidetal.
KUPIDO AND MY HOPELESS ROMANCE
Copyright © 2016 by xxelegnaxx. All rights reserved. No part of this story may be reproduced or used in any manner.
