Chapter 1

27.7K 473 80
                                    


Megan

Naku po! Late na naman ako!

Halos magkandarapa na ako kakaakyat sa hagdanan ng school namin dahil late na ako. Dapat kasi lahat ng school may elevator!

Nakaakyat na ako sa second floor at sa sobrang tuwa ko eh napatid pa ako ng mga babaitang bruha na nambubully. Wala akong time sa kanila kaya umakyat na ako ng hagdanan papunta sa third floor, pero kung sabagay late naman na ako eh? Papagalitan pa rin naman ako. This time, naglakad nalang ako kasi late naman na talaga ako.

Sana nagkasakit si Ma'am at absent o di kaya natraffic kaya mas late pa sakin.

Yun ang dasal ko habang hinihingal sa tapat ng pintuan ng room namin.

Bubuksan ko na sana ang doorknob ng bigla itong bumukas kaya na out of balance ako at nawalan ng balanse, pumikit ako pero instead na tumama ako sa sahig sa malambot na bagay ang sumalo sakin.

"Okay ka lang ba?"

Napadilat ako at natulala ako sa magandang babaeng nakayakap sa waist ko. Nakakahypnotize ang mga mata nitong kulay green at ang mukha nitong napakakinis lalo na ang lips nito.. parang ang sarap halikan.. ano ba yan Megan!

"Miss?"

Natauhan ako at tumayo ako bigla.

"S-Sorry po."

"I'm your new adviser. Nice to meet you!"

New adviser?

Parang ang bata pa niya masyado. Siguro kakagraduate lang niya at nakapasa agad siyang teacher dito?

"Ahh sorry po ma'am I'm late!"

"Its okay. Please sit down."

Nahihiyang umupo ako sa upuan ko sa dulo at napakamot ng ulo.

"Okay class, I'm your new adviser just call me Ms. Evans."

Nagsihabaan naman yung mga leeg nung mga lalaki sa kakatingin kay Ma'am.

Ang sexy kasi nito! Parang hindi teacher. Nakasuot lang ito ng uniform ng mga teacher at nakahapit na blouse na white at blazer na navy blue pati pants, kitang kita tuloy ang mga curves niya kaya yung mga lalaki ayun, nagkakandarapa.

Nagdiscuss lang ito ng kaunti at nagbell na para sa lunch.

Tumayo na ako at isinukbit yung bag ko sa shoulder ko, tumingin muna ako kay Ma'am at nagulat ako dahil nakatingin rin siya sakin habang nakangiti. Tumango lang ako at lumabas na ng room.

"Megan Bessy!"

Napatingin ako sa labas ng pinto ng room at nandun ang bestfriend kong si Victoria na kumakain ng lollipop.

"Pahingi naman!"

Binigyan niya ako ng isa at sinalpak ko agad ito sa bunganga ko.

"Kamusta? Okay ba yung bago niyong adviser?"

Napangiti tuloy ako. Yung pagkakahuli kong tumitingin rin siya sakin kanina eh malaking bagay na para sakin.

"Naku Bhes! Gwapo siguro noh?"
"Hindi, maganda kamo."
"Maganda? Hmm.. Mas maganda pa rin ako dun noh!"

Sinamaan ko siya ng tingin feelingera eh!

"Tara cafeteria na tayo. Gutom na ako!"

Naglakad na kami papasok ng cafeteria at ako na ang mag oorder ngayon.

"Ano sayo?"
"Spaghetti lang tyaka burger tyaka fries tyaka 2 iced tea na rin tyaka 2 strawberry short cake tyaka--"
"Ang dami naman niyan! Kaya mo bang ubusin yun lahat?"
"Oo naman noh!"

Tinalikuran ko na siya at pumila na ako sa cashier. Mukhang maraming tao ah? Nasa dulo na ako ng pila eh.

"Miss!"

Napalingon ako sa babaeng nakatayo sa harap ko. Teka.. si Ma'am ba toh? Tumingin ako sa likod at gilid ko kasi baka hindi ako ang tinatawag niya.

"Ikaw."

Itinuro niya ako at tumawa pa ito na parang musika sa pandinig ko.

"Bakit po Ma'am?"

"Napakaformal mo naman. Papatulong lang sana ako? Marami kasing natirang paperworks yung dating adviser niyo kaya.. pwede bang sumama ka sakin mamaya sa dinner? Treat ko don't worry."

Totoo ba ito?

Niyayaya niyang akong sumama sa kanya mamaya!

Huwag kang OA masyado, magchecheck lang naman kayo. - singit ng mahaderang konsensya ko.

Ganun na rin yun! Tyaka bakit ba ako naeexcite? Parehas kaming babae mygosh! Nakakatibo naman kasi si Ma'am hihi. Girl crush ko yata siya? Hindi naman siguro masama yun.

"Ahh Miss?"

Ay nakakahiya! Kausap ko pa pala si Ma'am. Ang epal kasi ng mahaderang konsensya eh!

Malandi ka kasi! - konsensya

Tse!

"Sige po Miss Evans! 6:30pm po ang labas ko mamaya didiretso nalang po ako sa faculty niyo."

"Thanks!"

Ako lang ba o kumindat siya?!

Namamalikmata lang siguro ako.

Umorder na ako at bumalik sa table namin ni Victoria.

"Nginingiti ngiti mo Bhessy?
"Ha? W-Wala to."
"Ayiiie! Naku ha."

Hindi ko na siya pinansin at nag umpisa na akong kumain.

***

Pagkabell na pagkabell ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa faculty ni Miss Evans.

Dumaan muna ako sa cr at nagretouch syempre para mukhang fresh at maganda parin ako. Nagpabango rin ako at sinuklay ko ang wavy brown hair ko.

Umakyat na ako sa fourth floor at pumunta sa faculty nila Ma'am nakita kong nag uuwian na rin yung ibang teachers at students. Mukhang si Ma'am nalang ang tao rito.

Tumapat na ako sa cubicle ni Ma'am at nasilip ko na siya sa loob. Nagpalit siya ng damit?

She's wearing a red blouse at skinny jeans nakalugay rin ang wavy black hair nito na hanggang pwetan niya.

Napalunok ako sa dyosang nasa harapan ko. Ang sexy niya talaga. She's making me sexually confused! I've never been attracted to girls and I'm straight as a pole!

Napansin ako nito at nagtama ang mga mata namin at muli ngumiti nanaman siya at nagrambulan ang mga paru-paro sa tiyan ko.

What's happening to me?!

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon