"fvck!" hinampas ko ang manibela at sinilip ang lalaking tumawid.

"tangina mo! papatayin mo ba ko!?" lumapit ang lalaki at binuksan ko ang bintana. nakahinga ako ng maluwag ng malaman kung sino ito. Its jude, school mate ko at kateammate sa basketball.

"sorry, we are in rush pare! get inside at dun na tayo magusap!"

bumaling ang mata nito sa nakaupo sa front seat bago dali daling sumakay sa likod at nagulat pa ng makita si xandra. inayos niya ang paa nito at agad na pumasok sa loob. kung ano anong tinatanong niya at si christine na ang nagentertain dahil wala akong maisagot ni isa. Ang isip ko ay nasa isang tao lang.

It's the longest drive for me. pagod na pagod akong umupo sa harap ni xander na tapos ng makinig sa explanation ko. Hindi din naman ganon kadetalyado ang sinabi ko pero nakahinga na siya ng maluwag at nagpasalamat ng sobra sobra sa akin. Paano kung hindi ko nakita si xandra? Damn! Ako ang hindi mapalagay!

Kanina pag dating namin ay halos magwala itong si xander at agad na kinuha si xandra sa bisig ko. umalis na din ang private doctor nila at sinabing nawalan lang ng malay si xandra sa pagod at stress. ang pinagtataka ko ay sino yung hinahabol niya.

"Nathan left xandra at pumunta na ng london ng wala man lang paalam. kaya ilang linggo ng nagkakaganyan yan. akala nya minsan nakakasalubong nya si nathan. Mom tell me na ipa consult siya sa psychiatrist pero di ako pumayag. she's not crazy, she's just not okay. at kailangan lang gawin ay hintayin siyang maka get over. Its normal."

sabi ni xander habang naghahanda ng tubig na may yelo at bimpo. sumunod ako sa kusina. Andun din si Jude at Christine.

"Is she like that because his bestfriend left her or is there something else?"

"ofcourse I can sense that there's something. Baka nga nagka aminan na eh."

Bahagya akong napalunok sa sinabi niya.

"then... diba.. dapat okay sila, bakit umalis si nathan?"

"his dad is in coma. thats the only reason I know. pero yung walang paalam kay xandra? that's questionable."

"try to contact him"

"sinubukan ko na, kaso wala talaga."

Bumalot ang katahimikan sa buong paligid. Maya maya ay nadatnan ko ng pababa si manang galing sa kwarto ni xandra.

"tapos ko ng palitan ng damit si xandra, panik na kayo."

sabi ni manang feli. nang matapos din si xander sa pagkuha ng yelo ay pumanik na kami. hinayaan namin si jude na nagluluto ng porridge para kay xandra. I told christine na samahan muna ito at pumayag naman siya. now, xander is with his phone. nang makapanik at makapasok sa guest room ay tumambad sakin ang mahimbing na natutulog na si xandra. bahagyang namumutla ito.

"tyron sandali lang, kausapin ko lang yung karpintero na aayos sa kwarto ni xandra."

tinanguan ko ito at lumabas na siya ng kwarto. binaling ko ang buong atensyon kay xandra. the way I look at her, pagod ang nakikita ko dito at lungkot. ang mga labi niya na hindi masaya at walang tingkad. Malayong malayo sa masiglang siya na nakilala ko.

kinuha ko ang twalyang basa at pinunasan ko ang mukha nito. ang kaba na nararamdaman ko ay napawi ng minulat niya ang mata niya. Bago ako lumabas ng kwarto ay humagulgol ito ng iyak hanggang sa wala na itong maiyak at napagod.

Gusto ko siyang yakapin ng mga oras na yon, maramdaman niya lamang na hindi siya nagiisa. pero kusa akong tinulak ng sarili sa kinatatayuan ko na hayaan ko siya. Kakayanin niyang magisa yan. Hinayaan ko siyang maging matatag para sa sarili niya.

I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now