Prolouge

32 2 0
                                    

          
A queen always has to look her best.

Tinanggal ko yung hair curlers sa buhok ko. Bago ako bumaba, inayos ko muna yung makeup ko. I smoothed out my clothes before I finally decided that I was ready.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, feel ko 'to eh. But of course, walang pumansin sakin.

Kasi, andiyan siya.

Mahinhin, mayumi at masunurin. Poised, elegant, and perfect. The ideal daughter.

My sister, my twin.

Fawned by my parents pero ignored sa school. She may be the queen here, but she's no one once na tumapak siya sa campus. Ako ang reyna dun.

Tumatago siya behind her big ugly glasses and books. Invisible siya. Wala akong "kambal" sa school.

She's showing some poster plans for the company. At siyempre, full support naman sina Mommy at Dad. Ako? Forgetten as always.

Humilata ako sa sofa.

"Hoy," tawag ko dun sa pinaka malapit na katulong, "buksan mo nga yung TV."

Inagaw ko sa kanya after yung remote at nilakasan ang volume until hindi ko na marinig yung mga tili ni Mommy at yung mga papuri ni Dad.

"STACY DIANE ELIZALDE!"

I lazily turned around para tingnan ang nanay ko.

"Powz?"

Huminga siya ng malalim at pinikit ang mga mata niya. Pilit niya manatiling kalmado at sinabi:

"Please lang, anak. Ang aga-aga para magaway tayo. Babaan mo yung volume or sa taas ka na lang manood ng TV. Kumain ka muna dito, lumalamig na ang pagkain."

Pinapainit na niya yung pagkain sa isang katulong nang sinarado ko yung TV at padabog na umakyat sa stairs.

When I reached the top, tiningnan ko silang lahat. My brown eyes met the green flecked ones ng kapatid ko.

"Just you wait, Serena. Pagbabayarin kita for everything. So you better watch your step." pangako ko sa kanya in my head.

And then I slammed my door shut.

Sa sobrang tahimik ng bahay, narinig ko pang bumulong si Dad.

"Dalhan mo na lang siya ng pagkain maya-maya."

Katulad kanina, dahan-dahan akong umupo at sumadal sa pinto ng kwarto ko.

Pinunas ko yung mukha ko. May black na sumama at narealize kong umiiyak na pala ako.

Sayang yung effort kong magmakeup. But we've got work to do.

Les Coeurs JumeauxWhere stories live. Discover now