Modernong Harana

38K 1.3K 499
                                    

Last day for the first semester ngayon. Kararating ko lang ng classroom, buti na lang at wala pa ang prof namin. Wala kaming permanent sitting arrangement kaya kung saan namin gustong umupo eh pwede. Nagkataon lang ngayon na wala ng available seats kundi rito sa likuran.  May apat na vacant seats dito sa last row, tapos occupied ko ang isa.

Wala pa rin ang prof namin. At dahil wala pa nga siya eh inilabas ko muna ang phone ko at naglaro ng games. Yukung-yuko ako sa phone ko nang may tumabi saken.

May tumabi saken.

Tumabi siya saken...

Tumabi saken si Cloud..

At gaya kung paano ko siya palaging nakikita, may nakapasak na headphones sa tenga niya at malamang eh nagsa-soundtrip siya.

Tumabi talaga siya saken at..

na-out ako sa nilalaro ko. Shemay, nawala ang concentration ko.

Tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin saken, abala siya sa pagkalikot ng cellphone niya.

Haaay. Ang hirap na.

**   **   **  ** 

First year college na ako. Akala ko eh tipikal na buhay college ang mararanasan ko sa unang semester ko dito sa unibersidad na napili kong pasukan. Pero nagkamali ako. Nang makilala ko si Cloud Sandoval, nagbago ang takbo ng buhay ko.

Sa unang araw ng eskwela ko unang nakita si Cloud. Late ako nun dumating sa classroom kaya sa likod na rin ako naupo. Tahimik ako noon habang pinagmamasdan ang mga mukha ng mga bagong classmates ko nang may kumalabit saken..

"Miss, is this BS Civil Engineering 1-A?"

Isang lalakeng maputi ang nagtanong saken. At sa unang tingin ko sa kanya, akala ko eh isa siyang anime character. 

Ang gwapo niya.

At ang cool niya tingnan.

There's something in his aura na di ko maexplain.

I was busy analyzing his physical features nang muli siyang magsalita..

"Miss.."

"A-ah eh, y-yes. T-this is BS Civil Engineering 1-A"

"Okay."

Tapos umupo siya sa tabi ko.

Hindi ko alam pero parang biglang nataranta ang sistema ko having the idea na sa tabi ko siya umupo. Para akong baliw na hindi mapakali sa kanyang upuan.

First day ngayon sa school kaya okay lang ang makipagkilala sa classmates mo, pero ewan, parang hindi ko kayang makipagkilala sa katabi ko kahit kating-kati na ang utak ko na malaman ang pangalan ng katabi ko. Besides, hindi talaga ako mapakali, pakiramdam ko eh nakatingin siya saken.

Okay, ako na ang assuming.

Di ko na napigilan ang sarili ko kaya nilingon ko ang lalakeng nakaupo sa left side ko. Nakapikit siya habang may nakapasak na earphones sa tenga niya. 

Mapupulang labi. Matangos na ilong. Cool hair style. Ang g-gwapo niya. Peste.

"Haay. Ba't ang gwapo mo?" biglang lumabas sa bibig ko.

Modernong Harana (One Shot)Where stories live. Discover now