Split Second

86 6 18
                                        

       Dedicated to : The_scenariste
Supportive eh. HAHAHAHAHA

"Bro pwede ba tigil-tigilan mo ako sa kakulitan mo, pag ako di nakapagtimpi sayo pagkakalat kong baog ka kaya hanggang omegle ka lang."

Heto nanaman 'tong pilyo, playboy at pa-cool kong matalik na kaibigan, walang ginawa kundi asarin ako. Pa'no ba naman kasi malaking issue sa kanya na single pa rin ako kaya ayun, kinukulit ako na mag-omegle raw para makahanap ng alam nyo na, ng "forever".

Sabihin ko pa lang yung salitang yun nasusuka na ko. Napakajeje kasi. Malayong-malayo sa personality ko na mahilig mapag-isa, nagkukulong lagi sa kwarto para magbasa at mag-aral.

Oo, ako si Lucas Cruz, NGSB. 18 years old at kasalukuyang nasa last year sa Senior High. Yung kumukulit sakin, siya si Timo. Ambaho ng pangalan diba? Timothy yung totoo niyang pangalan, kababata ko siya kaya kahit gusto ko na siyang ipakulam para di na makapasok dito sa bahay namin ay di ko magawa.

Marami na rin kaming pinagsamahan ni Timo kaya naman sanay na ako sa ugali niya.

Di talaga siya baog. Gusto ko lang siya siraan sa mga kaklase niya para tigil-tigilan niya na ako.

"Alam mo ikaw Lucas, napakacold talaga ng personality mo. Ikaw na nga tong tinutulungan para makahanap ng forever ikaw pa yung galit? Ganyan kana ba bro? Ginawa ko ang lahat tapos ito igaganti mo sakin?"

Sabi ni Timo na parang nang-aasar yung tono ng pananalita.

"Gusto mo sapak bro? Isa pang ganyan mo sakin tatalsik ka pabalik sa bahay nyo. And one more thing, wag mong mabanggit banggit sakin yang salitang "forever" kasi nasusuka talaga ako. Wag mo akong igaya sa'yo na jejemon"

Tumayo si Timo mula sa kama at inakbayan ako na abalang-abala sa pagreresearch ng magandang reaction plan sa laptop ko na nasa lamesa dahil malapit na ang submission.

"Alam mo bro, 18 kana pero di ka pa nagkakaforever ... "

Itinaas ko yung kamao ko na nagbabantang sapakin siya. Binanggit niya ulit kasi yung forever. Nakakasuka talaga.

"O sige, nagkakagirlfriend na lang. Masyado kang subsob sa pag-aaral, dapat itry mo yung mga bagay na, chill lang. Alam mo yun? Yung inspired ka, yung may rason ka para magpuyat para may sabihang goodnight at gumising ng maaga para may sabihang goodmorning. Napakaboring ng buhay mo bro. Wag mo kong susuntukin ah? Susumbong kita kay Tita, yari ka."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inakbayan ko si Timo. Hinagis ko siya sa kama at nagsimula kaming magpillow-fight.

"Di mo talaga ako titigilan ah, etong sayo"

Pinaamoy ko sa kanya yung unan ko na nilawayan niya nung nagsleep over siya rito samin nung isang araw.

"Ano bayan Lucas, ambaho ng unan mo! Kadiri to. Kala ko pa naman napaka-metikuloso mo. Kung babae makaamoy niyan, matuturn-off yun bro"

Tumawa ako ng malakas dahil di niya alam na siya yung may gawa kung bakit ganun yung amoy nung unan.

"Oh, bat tumatawa ka? Nababaliw kanaba?"

"Hindi bro, Yung mga sinabe mo, para sayo yun kasi laway mo yan eh. Amoy mo yan." at humagalpak ako sa tawa.

"Huh? Teka, tulo ba laway ko nung nagsleep over ako rito?"

"Oo, may video pa nga ako eh, gusto mo panuorin? Anlakas ng hilik mo nun. Ay teka, post ko na lang sa IG baka magviral"

Agad kinuha ni Timo yung  cellphone ko para burahin yung video niya.

Split SecondWhere stories live. Discover now