Chapter 3 -- Falling from Cloud Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Gabing gabi na ng makauwi sina Natalie at Ervic. Natutulog na ang lahat pero si Ervic gising pa rin, nasa sala lang siya umiinom ng mainit na kape. Kanina pa may bumabagabag sa kanya at hindi niya alam kung kanino ito sasabihin. Nang dumating si JC, kakagaling lang nito sa trabaho.



"O, pare buti gising ka pa?" Tanong ni JC. Nag alis siya ng sapatos at medyas at inilapag ang bag niya sa mesa.



"Hindi kasi ako makatulog."




"May problema ba?" Usisa ni JC. Tsaka siya umupo sa sofa.




Ilang Segundo ang lumipas bago nakapag salita itong si Ervic. "Pare, sabihin mo nga sakin wala namang masama sa pag kakaibigan namin ni Natalie, diba?"



"Yan ba ang bumabagabag sayo kaya hindi ka makatulog? Ngayon lang kita nakitang ganyan ah."



Hindi sumagot si Ervic. Napayuko lang siya.



"Sabi mo nga mag kaibigan lang kayo ni Natalie kaya hindi mo kailangang mabagabag ng ganyan. Mabagabag ka kung iba na ang nararamdaman mo para sa kanya. At kapag nagawa mo ng lokohin ang asawa mo." Sabi ni JC.



Napatingin ng husto si Ervic kay JC nang marinig ang mga katagang sinabi nito na mabagabag ka kung iba na ang nararamdaman mo para sa kanya. At kapag nagawa mo ng lokohin ang asawa mo.



"Pero alam ko naman na hindi mo gagawin 'yon sa asawa mo, kasi alam ko mabait ka at mahal mo ang asawa mo."



Tama, mahal ko ang asawa ko kaya hindi ko kailangang mabagabag ng ganito. Hindi ko kailangang magi sip ng anuman dahil ang totoo mag kaibigan lang kami ni Natalie at hanggang dun lang 'yon. Anang isip ni Ervic.



Yun ang pilit na isinisiksik ni Ervic sa kanyang isipan na wala silang ginagawang masama ni Natalie, na mag kaibigan lang talaga ang turingan nila. Pero hanggang sa pag tulog na iisip ni Ervic ang mga pinag samahan nila ni Natalie sa maikling panahon.




Sinusulit na ni Natalie ang mga huling araw na mananatili siya sa NYC. Picture dito, picture doon. Kinuhanan niya rin ng mga letrato ang mga kasamaha niya sa bahay. At swerte niya nang minsan nag sha-shopping siya eh nakasabay niya sa shop ang sikat na actress na si Kristen Stewart at nakapag pa picture pa siya dito. Pinag luto niya rin ulit ang mga kasamahan niya sa bahay at binigyan ng mga souvenirs para hindi nila siya makalimutan.



Isang gabi pumunta sina Natalie at Ervic sa Brooklyn's Bridge Park at umupo sa damuhan. It is one of the romantic places in NYC.




"Kapag umalis na'ko, ma mi-miss mo ba'ko?" Diretsong tanong ni Natalie.





"Ang tanong, ako ba ma mi-miss mo?" He looks straight to Natalie's eyes.




"I'm gonna miss you, that's for sure." Malambing na sabi ni Natalie. "Will you miss me too?"




"Oo naman. Ma mi-miss ko ang ka sungitan mo, ang ka kulitan mo. Ma mi-miss ko lahat sa'yo." Then they smile at each other.




"Magkikita pa ba tayo?" Bigla tuloy nalungkot si Natalie sa tanong niyang 'yon. "Pa'no kung kalimutan mo na'ko after this?"




"Hindi kita makakalimutan. Pag uwi ko sa Pilipinas hahanapin kita."



Parang abot tainga ang ngiti ni Natalie nang marinig ang mga pahayag ni Ervic. Para siyang teenager na kinikilig, pero patago at pinipigilan niya para hindi makahalata si Ervic.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon