PANIMULA

261 54 11
                                    

"Kaunti na lang at matatapos na rin. Limang buhay na lang at t'yak, dadami na naman ang mga mambabasa ko," masayang bulong ni Lesley habang kasalukuyang nakaharap sa kanyang bagong laptop. Abot tainga ang ngiti nito habang pinagmamasdan ang pagtaas ng bilang ng mga tagasubaybay at mambabasa niya. Mula sa isang daan na followers, umangat ito at umabot na ng kalahating milyon sa loob lamang ng tatlong linggo. Mayroon na ring milyon-milyong reads ang apat niyang mga k'wento.

"Siguro ay dudoble pa ito bukas," nasasabik nitong wika sabay sarado ng laptop. Eksaktong pagbaba nito ng takip, bumungad sa kaniya ang nakayukong babae at nakangiting nakatitig sa kanya. Tumutulo pa ang kulay pula na dugo sa wasak nitong bibig na para bang ilang beses itong pinalo. May malalalim rin na hiwa ang balat nito sa mukha. Kahindik-hindik ang hitsura nito pero parang wala lang ito kay Lesley. Nginitian pa niya ito ng ubod ng tamis saka muling nagsalita.

"At dahil 'yon sayo, Eudoria."

EUDORIA Where stories live. Discover now