[19] Chloe

54 2 0
                                    

Dear Oliver,

I thought makakalimutan mo ang fourth anniversary natin dahil kung talagang nakalimutan mo paniguradong putol na itong relationship natin. Buti na lang nagkaroon ng light bulb iyang utak mo. Natawa ako ng mabasa ko yung part sa sulat mo na napunta pa sa Panagbenga festival yung pag-iisip ng event. Ahaha. Loko ka talaga kahit kailan.

13 days to go at Fourth Anniversary natin. Napangiti mo ako ng sabihin mong uuwi ka dito sa Pilipinas. Ngayon pa lang bumabalik na naman yung excitement ko noong una kitang makilala. It's all coming back to me again. Those precious memories.

Ngayon pa lang nag-iisip na ako ng mga gimik na pwede nating gawing dalawa pagkauwi mo. Gusto ko masulit natin ang bakasyon mo dito para bawat araw natin na binubuksan ay maliligayang mga pangyayari ang ating maitatabi at muling aalahanin paglaki.

Boom! Panis ka sa tagalog ko, ano? Mala-Ma'am Charo lang ang peg ko!

Basta Mine sabihin mo sa akin kung sigurado talaga iyang pag-uwi mo dito dahil ayaw kong umasa, Mine. Takot na akong umasa muli. Charot ulit! Kung umuwi ka dito may ibibigay ako sa iyong gift. A super special gift for a special person like you. Grabe Mine excited na talaga ako. I'm already imagining what will happen if nandito ka na sa tabi ko.

I love you forever and ever end ever and ever!

- Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now