[11] Chloe

59 3 0
                                    

Dear Oliver,

This is going to be a tough one to write. Mine, huwag ka sanang magalit, masaktan, o kaya naman ay magtampo sa mababasa mo dito. Hindi ko naman ginusto ang nangyari. Sorry, Mine. There's something I need to tell you. Huwag ka ng pumunta sa airport at manatili ka na lang diyan sa bahay niyo. I know hindi mo magugustuhan ang laman ng letter na ito but I'm begging you to please understand my situation right now.

Hindi ako makakapunta diyan sa New York.

I'm not joking anymore.

Kagabi kasi sinugod si mama sa hospital. Bigla kasi siyang nahimatay sa bahay. Nang makarating kami sa hospital, sabi ng doctor may cancer raw sinabi si mama. Kagabi lang lumala ng mahimatay si mama. Buti na lang at stage one lang yung sa kanya. Sabi ng doctor lagi raw naming bantayan si mama. Huwag raw namin siyang iwan at dapat raw lagi kaming nasa tabi niya dahil mas mapapabilis raw ang magiging paggaling ni mama kung ginawa namin iyon.

Mine, bawal kong iwanan si mama. Ayaw kong iwan yung tao na nagpalaki at nagmahal sa akin ng buong-buo. Sana maintindihan mo ako. Alam ko these past few days ang rami nating gustong gawin diyan sa New York. Ako pa nga yata yung excited na excited sa ating dalawa eh. Ang rami kong sinulat sa listahan ko at ikaw naman nilinis mo na ng todo yung kwarto mo para masarap ang unang tulog ko diyan pero mukhang lahat iyon hanggang drawing na lang muna. I'm really sorry, Oliver. Nasayang lahat ng effort mo pati na rin yung mga binayad mo. Don't worry babayaran ko na lang iyon once na makaipon na ako.

-Chloe

Dear LoverWhere stories live. Discover now