Chapter 13

364 10 1
                                    


Chapter 13

Not Sure


I heard his scoffs when I said those words. Nakatingin lang ako sa kanya habang, pansin ko ang bagang niyang nag-igting saka niya ako nilingon. Agad na nagtama ang mga mata namin. Kung pwede lang, titigan ko 'to ng buong araw ay magagawa ko pero napaiwas ako ng tingin no'ng ngumisi na siya.

"For what, commoner?" he asked. Sa gilid ng mata ko ay pansin kong hindi na siya nakatingin sa akin ulit. I sighed, mabuti na iyon.

"Earlier, when the chairs go—" natigil ako sa sasabihin ko ng bigla siyang natawa. Napakunot noo naman ako sa ginawa niya.

"Do you think I meant to do that?" ngisi pa niya. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko rin maintindihan at dahil na rin sa tono ng kanyang pananalita. He look at me, "I got my balance out when I try to move my chair then it goes..." he smirked. "don't thank me for doing that kind of distraction. Gustong gusto ko nga makita kung paano ka pagtatawanan kanina."

Medyo nairita naman ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman okay na pero hindi pa rin pala. Masyado talaga siyang mayabang, nakakairita na siya pero bakit gano'n hindi ko naman makuhang magalit sa kanya.

Napansin ko naman ang pag-inda niya sa balikat niyang may pasa.

Naglakad loob na rin akong usisain iyon, "ano bang nangyari sayo, Henric?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Feeling ko tuloy para akong may kausap na hanging dito. "Ah, gano'n ba, okay lang 'yan. Pasa lang naman 'yan." Sa sinabi ko, napatingin naman siya sa akin. Kumurba sa gilid ang kanyang mga labi at hindi ko alam kung achievement ba 'yon.

"You're such a chatty person, commoner." He said.

Nagmistulang zinipper ko naman ang mga labi ko dahil mukhang naaasar siya sa pagiging madaldal ko.

Napatingin na lang din naman ako sa kanya, diretsyo ang tingin niya sa isang direksyon. Hindi ko naman talaga maitatanggi na gwapo at mukhang may lahi naman ang isang 'to. His pointed nose, his soft red lips, he's perfect tho.

"Henric." Usal ko sa pangalan.

Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay, "what, commoner?"

I grunt, "I have a name and it's Jayne." Irap ko pa sa kanya, "and please, help me to find the prince."

Pero agad niya akong tinawanan, "are you out of your mind!" he smirked, "sorry, but I won't." hindi ko alam pero napayuko na lang ako sa sinabi niya. He can't be please. "You come into that kind of situation, ikaw rin mismo ang lumabas." Aniya at tumayo. Iniwan naman niya akong mag-isa sa bench.

Nakita ko naman sa gilid ko na palapit si Maisie at Koby sa akin.

"Jayne, sama ka!" yaya naman ni Koby sa akin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Saan naman, bawal naman tayong magpupunta sa ibang parte nito bukod dito at sa guest hall." Sabi ko pa sa kanya.

"Hindi, okay lang 'yan."

"C'mon, Jayne." Pagpilit pa ni Maisie sa akin.

Hinigit na nila akong dalawa papunta sa isang parte ng kaharian. Medyo nakalabas na kami ng garden dahil wala na masyadong mga tao dito. Nakapulupot naman ang braso ko kay Maisie habang sinusundan namin si Koby at mayamaya lang ay nahinto kami sa isang maliit na bahay na gawa sa bato, as usual.

The Turn-out PrinceWhere stories live. Discover now