The Decision

32 0 0
                                    

Ronald's POV

"TALAGA?"tanong ko na may pagkagulat pa rin.

"Opo. Yun po kasi yung nakalagay na  name sa I.D. niya."sagot ng cashier.

"Ganun ba? Sige thank you."pasasalamat ko na lang.

"You're Welcome po Sir."

Dali dali na kong umakyat papunta sa kwarto ni Papa. Nakita ko si Mama na malungkot pa rin.

"MA!!MAY MAGANDA PO
AKONG BALITA!!"sigaw ko sa kwarto ni Papa.

"Shhh!! Ano ba JR. Ang ingay mo. Tulog Papa mo ohh."paalala sa'kin ni Mama.

"Ayy sorry po. May maganda akong balita."

"Ano ba yon?"

"May nagbayad na sa gastusin ni Papa. AT BUONG BUO PO BINAYARAN."sabi ko kay Mama.

"TALAGA KUYA?WOOHH"sigaw ng kapatid ko.

"Tignan mo isa pa ito. Sino daw ang nagbayad?"tanong ni Mama.

"Si Pat po."

"Talagang hulog ng langit sa'tin ang kaibigan mong iyon. Biruin mo, binayaran niya LAHAT ng gastusin ng Papa mo."sagot ni Mama na naluluha pa.

Naalala ko si Pat. Dali dali kong kinuha ang phone ko at nagtext sa kanya.

To: Pat :)

Pat, good morning :)
Salamat talaga kasi binayaran mo yung gastusin ni Papa. Tatanawin ko talagang utang na loob ito sa iyo. Salamat talaga :)

Mga ilang sandali, nagreply siya.

From: Pat :)

Welcome always. Pakisabi na lng sa papa mo pagaling sya. :)

Hala! Ang aga aga, gising na siya. Baka puyat yun. Ano kaya kalagayan niya? Ok. Masyado na kong nag - aalala.

Pero para sa akin, kulang talaga yung Thank you. Kailangan meron akong gawin para makabawi.

"Sabihin mo JR kay Patrick na pumunta siya minsan sa bahay. Ipagluluto ko siya bilang pasasalamat. Alam kong kulang iyon pero yun lang ang kakayanin ko para makabawi sa ginawa niya."biglang sagot ni Mama.

"Sige po Ma. Ma, uwi po muna ako. Ano oras na ehh. May pasok pa po ako mamaya ehh."paalam ko kay Mama.

"Sige nak. Pumunta ka mamaya dito pag uwi mo ha?"paalala ni Mama.

Umalis na ko. Inabot na ko ng 4 a.m. sa ospital. Mamaya pupuntahan ko si Pat kakausapin ko.

Mula sa bahay namin papuntang ospital, inaabot ng isang oras. Ganuon din ang pag uwi. Kaya pagdating at pagdating ko sa bahay ay nag asikaso na ko para makapasok.

Naligo, nag almusal, nagbihis, inayos yung mga gamit, ready na kong umalis. Nilock ko na yung pinto at umalis na.

Sumakay na agad ako ng jeep para makapasok na. Ganda ng soundtrip ko ngayon sa phone haha. Melanie Martinez songs. Woohh heck yeahh(search niyo minsan hahaha)

After 30 minutes, nakarating din sa school. Tinignan ko kung ano oras na. 6:45 a.m. Umakyat na agad ako sa 4th floor at pumunta sa room ko.

"Ronald, musta?"biglang sigaw ni Jewel.

"Eto ok naman. Kakakita lang natin kagabi ah?hahaha"

"Bakit nga pala umalis ka kaagad kagabi?"biglang tanong ni Jewel.

"Yun na nga. Nagmamadali ako kagabi kasi bigla na namang hinimatay si Papa. Inoperahan siya kagabi kasi kailangan ng tanggalin yung tumor niya."ang malungkot kong sabi sa kanya.

Husband For HIRE (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon