The Condition

40 2 0
                                    

Jasper's POV

Hello :)
I'm Jasper Cruz.
I'm 18 years old.
Lumipat kami ng Antipolo kasi si Dad, yung business niya dito kailangan niyang asikasuhin araw - araw. Ehh para magawa daw yun, kailangan muna daw namin lumipat.

Papunta ako ngayon sa ospital. Nalaman ko kasi na sinugod si tito (papa ni Ron) sa ospital. Nakita ko si Ron na nakaupo lang sa isang bench malapit sa isang kwarto doon.

"Ohh. Bakit ang lungkot mo?" Bigla kong sambit pagkalapit ko kay Ron.

"Ohh ikaw pala Per. Bakit ka nandito?"sabay sabi sa akin habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Kinuwento niya sa akin lahat ng nangyari. Mahahalata talaga sa mukha ni Ron ang lungkot. Pinipilit niyang ngumiti, pero natatabunan agad ito ng lungkot.

Gusto kong tulungan sina Ron.






Gusto kong tulungan ang MAHAL ko.


Oo, totoo. Mahal ko siya simula pa lang nung high school kami. Hindi ko nga lang masabi sa kanya dahil nga sa torpe ako. At saka mukha namang wala akong pag - asa na mahalin niya rin ako na tulad sa nararamdaman ko.

Pero hindi ko na muna ito iintindihin. Mas kailangan ni Ron ngayon ng masasandalan. Kung meron lang akong magagawa upang matulungan si tito gagawin ko kaagad.

"Ok lang yan. Malalampasan niyo rin ng pamilya mo yan. Basta andito lang ako na pwede mong masandalan."sabi ko na lang sa kanya. Sabay tapik sa kanyang likod.



"Salamat talaga Per. Lagi kang nandyan para tumulong at umalalay. Salamat kasi naging kaibigan kita."sambit niya sabay ngiti. Para akong natutunaw pag nakikita ko ang mukha niya. Ang medyo singkit niyang mga mata, matangos na ilong at ang labi niyang kulay rosas. Parang gusto ko lagi ko siyang nakikita.

Sinamahan ko lang si Ron buong magdamag. Nandito siya ngayon. Natutulog sa tabi ni tito. Cute niya matulog. Hihi
Aalis na ko kasi medyo gabi na. Kailangan ko nang umuwi. Bumili muna ko ng makakain nina Ron habang nandito siya. Bago pa ko umalis ng tuluyan, kiniss ko siya sa pisngi. Hihi buti na lang tulog sila pareho ni tito.

"Ron, gising. Aalis na ko."sabay sabi ko habang tinatapik siya.

"Hhhmm. Uhhmm aahh sige. Thank you ulit Per ahh."sabi niya habang nag uunat.

"You're welcome always. Bale bumili na ko ng makakain ninyo ni tito. Pakisabi na lang, pagaling siya ahhh. Sige alis na ko. Matulog ka na ulit.hihi" sabi ko sabay paalam.

"Uhhmm hindi hatid na kita palabas."anyaya niya.

"Hindi na. Bantayan mo na lang si tito dyan. Ok lang ako."pagtanggi ko sa kanya.


"Ok sige ingat ka ahhh."sabay kaway sa akin. Kumaway na rin ako at lumabas na ng kwarto ni tito. Pagkalabas kong ospital, biglang nagtext si Mama. Tinatanong kung nasaan na daw ako. Agad na kong sumakay ng kotse at umalis. Ang saya saya ko dahil sa wakas, kahit di niya alam, ay nakiss ko siya. Kahit sa pisngi lang yon.

Patrick's POV

"Hala! Ano oras na. 6:45 am."nasabi ko na lang. Walangya napasarap yung tulog ko. Ganda kasi ng panaginip eh. hahaha
Nevermind. Dali dali na kong naligo, nagbihis, kumain ng almusal at umalis na.

"Ohh. Tapusin mo muna yung pagkain mo."sabi sa akin ni mama.

"Hindi na po ma. Kailangan ko nang magmadali ehh."nasabi ko na lang sabay halik sa pisngi ni mama.

"Ohh sige mag iingat ka ha"paalala sakin ni mama. Kumaway na lang ako at umalis na.

Shett!! Ang trapik. Buti na lang may 15 minutes na policy ang school sa mga malelate. 7:35 pa lang. Yess nakaabot ulit. Pero parang hindi ko pa napapansin si Ron ngayon. Dati nakikita ko na lang lagi siya sa may hallway ng 1st floor. Siguro busy.
Dali dali na kong pumunta sa room namin. After 3 hrs na subject, sa wakas vacant time na namin. Pagbaba ko sa building namin, nakita ko si Ron. Mag isa doon sa kiosk. Walang kausap. Mabuti pa puntahan ko na.

Husband For HIRE (boyxboy)Where stories live. Discover now