The Visitor

43 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE :)

GOOD DAY PO :)

Pasensya na kung ngayon lang ako nag update ng story na ginagawa ko. Isang buwan kasing naging busy sa school.

But nevermind. Thanks nga pala ulit sa mga readers ng story na ito.

Pasensya na rin kasi hindi po ako naglalagay ng mga pics sa mga part. Kasi..

Gusto ko kayo mismo mag imagine ng mga characters. Para at least ramdam niyo yung story.haha

So ayun.. Thanks ulit sa mga readers. :)

Vote na rin tsaka comment kung meron kayong mga suggestions para sa susunod na mga parts. Love lots :x

-MS-


THE VISIT

Patrick's POV

"Uhhmm bigyan mo muna ako ng ilang linggo para makapagdesisyon."ang sagot ni Ron sa akin. Dali dali itong tumayo at umalis ng kiosk na para bang nilalayuan muna ako. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi magugulat dun. Lalaki ka tapos lalaki rin yung nag offer ng ganong bagay sa iyo, d ka ba magimbal nun. Pero medyo nakakahiya.

Nagtaka lang ako kasi hindi siya nagalit o nagreklamo nung nag offer ako sa kanya ng ganon. Sinabi pa niyang pag iisipan niya. Natuwa ako nung sinabi niya iyon ehh.

Nandito ako ngayon sa kwarto, iniisip siya as usual. Hindi ko na talaga mainitindihan ang sarili ko kung bakit nangyayari sa akin ito.

Tiningnan ko yung oras.
2:30 a.m. Grabe pa umaga na di pa ko natutulog. Nag gm (group message) lang ako saglit kasi wala akong magawa. After ng ilang minuto, nagvibrate yung phone ko.

From: Ron :)
Ohh bakit gising ka pa? Anong oras na ahh. Matulog na.

Nagtext si Ron. Wooohhh ang saya.
Nireplayan ko na lang siya.

To: Ron :)
Hindi ako makatulog ehh. Teka ikaw bakit gising ka pa? Anong oras na ahhh.

After nang ilang minuto, nagreply siya.

From: Ron :)
Nasa ospital ako ngayon. Binabantayan si Papa. Hindi rin kasi ako makatulog ehhh.

Nasa ospital siya ngayon? From school pag uwi, diretso siya dun? Nakakaawa na ang kalagayan ni Ron ngayon. Nireplayan ko ulit.

To: Ron :)
Saang ospital yan?

Nag reply siya agad.

From: Ron :)
Dito sa may District Hospital.

Nagreply na lang ulit ako.

To: Ron :)
Ahh ok. Sige tulog na ko. GOOD NIGHT NA :) . Pasabi sa papa mo, pagaling siya.

Mukhang hindi na siya mag rereply. Dahil dun, dinalaw na ko ng antok hanggang sa nakatulog na ko.

Kagigising ko lang. Bigla akong tinamaan ng SLEEP PARALYSIS kagabi. Siguro dahil sa puyat. Mabuti na lang saglit lang at nalabanan ko kaagad.

In fairness, ang aga kong magising. 5:30 a.m.. Pagtingin ko sa phone ko, may nakita akong missed call. Galing kay Ron. Sayang nakatulog agad ako.tss

Dahil maaga akong nagising, naghanda na ko para pumasok. Dali dali na kong pumasok sa bathroom at naligo. Syempre kasama na sa pagligo ko yung mga rituals na ginagawa sa bathroom. If you know what I mean.hahaha

After kong maligo, nagbihis muna ako ng sando at boxers at bumaba para maghanda ng kakainin ko. Actually ang duty lagi nina ate Tess ay 7 a.m. para daw masanay akong maghanda ng sarili kong pagkain. Worth it naman. Nagluto na ko ng kakainin ko. Bacon with scrambled eggs. Dali dali na kong kumain. Pagtapos ko magligpit, umakyat na ko para makahanda ng umalis. Nag uniform na ko, nagsuot ng pantalon, nag sapatos (syempre kasama na pagmemedyas dun haha). Ayan ready na kong pumasok.

Husband For HIRE (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon