Chapter 12

412 13 0
                                    

Chapter 12

Thank You


After I prepared and finished wearing my uniform, papasok na ulit ako. Nakatulog pa ako ng halos kahalating oras dahil nabitin ako sa tulog ko sa bahay ni Maisie. Sinakbit ko na ang bag ko sa balikat ko at lumabas na rin ng bahay. Nabigla naman ako dahil for a few hours lang ay dumami na nag tao sa paligid. I heard na tatagal ng isang linggo ang annual gathering na ito at siguro kabilang ang mga Williams sa event na 'to.

Dumaan muna ako sa central para magpaalam kay mama na papasok na ako. As usual, busy ang bakery dahil maraming bumibili sa kanila. Inabutan na lang ako ni mama ng isang maliit na box na naglalaman ng one slice of strawberry cake. Agad ko namang naalala si Henric kanina, bumalik sa isip ko 'yong mga pasa na natamo niya. Ano ba kasing nangyari sa kanya? At bakit ganito ako masyadong nag-aalala sa kanya?

Dumiretsyo na rin ako ng Amea University. Nadatnan kong nagkalat ang ibang estudyante sa quadrangle pero tinahak ko pa rin ang hallway ng building namin at tumuloy sa room. Nadatnan ko doon si Koby na mukhang kakarating lang din naman. Sumunod na dumating si Maisie na humahangos palapit sa amin.

"Guys!" tawag nito sa amin, ang bilis pa ng paghinga niya. Bakit ba kasi kailangan niyang tumakbo diba?

"Easy ka lang, Mace." Natatawang usal ni Koby.

Natawa na lang din ako, "oo nga, ano bang meron?" usisa ko pa.

"Narinig ko sa ibang estudyante na pupunta lahat ng estudyante sa Amea University sa Amea Kingdom." Pagku-kwento naman niya sa amin.

"You sure, Mace?" taka at kunot noo na tanong ni Koby sa kanya.

Mabilis naman kaming tinanguan ni Maisie, "yes, at darating na mamaya ang mga busses to fetch us papunta doon." Aniya.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "bakit parang masyado kang nate-tense?"

Huminga muna siya ng malalim bago ako sumagot, "Williams are invited to this event pero hindi pa sa pagpunta natin doon. Sa last day pa pero kasi..."

Pareho lang kaming nag-aabang ni Koby ng sasabihin niya.

"Kasi ako, si ate Ingrid at si kuya Leo ang pinapapunta ng parents namin. They can't come as usual kaya kami pinapapunta nito sa kung anong event man ang meron. People first before other ang nagiging focus nila but then..." buntong hininga niya naman. "Can't come."

"Eh?" taas kilay ko pang sabi sa sinabi niya.

Pero hindi ko rin naman siya mapipigilan kung ano man 'yong desisyon niya.

Hinawakan niya ako sa balikat. Lalabas na sana siya nang biglang pumasok ang professor namin kaya hindi na siya nakalabas agad agad. Iilan lang din naman kami sa loob dahil ang karamihan ay nasa labas na.

"Ano pang ginagawa niyo dito? Lumabas na kayo at pumila according to your sections, walang tatakas. Kailangan kayo doon lalo na kung scholarship holder ka, it is important." Aniya. "See you." Aniya at tuluyan nang lumabas.

Napabuntong hininga na lang si Maisie, "Mukhang wala akong kawala." Aniya.

Sabay sabay naman kaming pumunta sa quadrangle at pumila by section. Nagsidatingan na rin naman ang tatlong bus na magdadala sa amin sa Castle. Nang makita ko naman si Ma'am Danzella at suot suot ko ang mini silver crown ko ay agad akong yumuko kunyari ay may pinulot pero tinanggal ko sa ulo ko iyon. Napunta naman sa akin ang mga mata ni Ma'am Danzella at nginitian niya ako, gano'n din naman ako sa kanya.

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon