I Love You! Corps Commander! (one shot)

Start from the beginning
                                    

“Oopps, stop I know na, uuyyyy...” Sinundot-sundot pa ako sa tagiliran. “Nakita mo si love of your life noh? Aminin.”

“Hindi ko naman siya nakita eh... narinig ko lang kasi nakatalikod ako sa kanya, at anong love of your life ka dyan! Crush ko lang yun noh!”

“Whatever! Minger! Eh ba’t defensive much  ka? But don’t you worry matatapos narin ang iyong pagdurusa because I’m here an angel of love disguise as human to bring peace, harmony and of course love to everyone. I have a plan that would benefit the both of you.” Loko talaga itong bestfriend ko. Angel of love daw! Plan? Anong kayang plano nito.

“Anong plan? Lecheng plan?”

“Duh! Korni lecheng plan. Ah basta, just trust me on this. Operation: Paint the town red este school pala at ikaw 5 minutes nalang before 9:00 am kaya gora na sa classroom mo at baka mahuli ka pa.”

“Ikaw kaya ang korni. Eh ikaw bakit nandito ka diba dapat hinahandle mo yung mga officers?”

“Kasi pow susunduin ko pow si love of your life para pow ipagpatuloy na namin pow yung meeting ng mga officers for the welcoming of C.O.’s pow. Kararating lang ni Corps pow kaya pupuntahan ko siya sa H.Q. understood pow!”

Ano ba itong bf ko sinaniban na naman ng masamang ispiritu!

“Ayusin mo nga yang pagsasalita mo, bakit kasi ngayon lang siya dumating diba dapat kanina pang 4:00 am?

“There’s nothing wrong in the way I speak, actually he’s here earlier but needs to go somewhere because he has a meeting with the Student Council as well. Haist! You know, he’s super active.”

Umiling-iling nalang ako. Kita nyo na may saltik siya ngayon banatan ba naman ako ng English, british accent pa!

“I know right.” Kasi bukod nga naman sa C.A.T., Student Council President din siya! Kaya ikaw na! Rigo! Ikaw na talaga. Sa sobrang dami niyang pinagkakaabalahan kelan kaya siya magkakatime man lang sa akin. Nakakalungkot lang.

Ngumiti nalang si Zhy.

“Sige best mauna na ako, sabay nalang tayong mag-lunch sa quadrangle mamaya kasama ng ibang officers ha.”

“Ma’am yes ma’am, at  uminom ka narin ng gamot mo, tinotopak ka na naman.”

Tuluyan na nang umalis yung bestfriend kong si C/Lt. Col. Quijano, Zhyrine L., na may kakaibang ngiti. Nababaliw na talaga ang isang yun. Malala na.

Ano kayang balak nun sa Operation: Paint the school red niyang plano. Haist... bahala na nga siya. I trust her naman eh, pero sana lang hindi ako mapahiya.

Ang swerte nga nung bestfriend ko na yun eh, kasi lagi siyang nasa likod ni Corps, siya kasi ang Executive Officer, second in line sa pamamahala sa mga officers at buti nalang natitiis ng mga co-officers niya ang kabaliwan niya. Nakapagtataka nga kung paano siya naging Ex-O? Hmmm...

Lunch Break

Mabilis lang dumaan ang oras at ngayon lunch time na. Habang naglalakad ako patungo sa pwesto nila best kasama ang ibang officers, napansin ko yung kumpulan ng mga C.O.’s na may dala-dalang folders. Isa kasi sa requirements ng mga C.O.’s ang magpa- clearance sa lahat ng officers.

Kinakausap nila ang mga officers, kinuha ng mga officers yung folders at pinirmahan pero yung ibang officers kung anu-ano muna ang pinagawa bago pinirmahan. Tsk! Tsk!

I Love You! Corps Commander! (one shot)Where stories live. Discover now