Personal Tutor

Começar do início
                                    

Rhythm Guitar: Katsumi Kabe / Katsumi

 Lead Vocal : Jose Carlito Padilla / Jay Ace

Lead Guitar : Hugh Seth Gothico / Gothico

Bass Guitar : Daniel John Ford / DJ

Drums : Lester Giri

 

"...pare, ano na naman bang gulo ang ginawa mo don sa may hallway kanina??..." tanong sakin ni Jay Ace.

"...at ang sabi babae pa daw ang inaway mo..." sabi naman ni Katsumi habang naggigitara.

"... e, siya naman talaga ang may kasalanan non... kung saan-saan kasi nakatingin...." sabi ko. Bakit ba parang mas kinakampihan nila yon kesa sakin?? diba dapat ako nga e.. kasi kaibigan nila ako.

"... kilala mo ba kung sino yon, ha??..." tanong sakin ni Gothico.

"... pakealam ko don..." sagot ko.

Sa totoo lang hindi ko talaga siya kilala pero nakikita ko naman siya araw-araw sa loob ng classroom. Ni minsan hindi ko pa siya nakakausap ngayon ko lang siya narinig magsalita....

Kaso wrong timing naman.

Nakakapanibago nga e.. kasi hindi siya katulad ng ibang babae na halos ikaiyak na sa sobrang tuwa kapag nakausap akopero siya parang wala lang. Kilala ba niya ako?? o talagang puro pag-aaral lang ang inaatupag nung babaeng yon??..

Kathryn's POV:

Natapos na din sa wakas! Pwede ko na tong ipasa mamaya. Uwian na nga pala kaya madami ng taong naglalakad sa may hallway. Kailangan ko pa palang pumunta sa office ni Mrs. Tervor may sasabihin daw siya sakin.

Ano kaya yon??

Tungkol sa grades ko ba??..

Binuksan ko na yung pinto at pumasok sa loob.

Nadatnan kong maraming ginagawa si Mrs. Tervor at ang gulo ng table niya madami kasing papel na nakakalat.

"...um.. excuse me po..." napatingin siya sakin bigla.

"... come in.... and have a seat...." naupo ako.

"... don't worry Kathryn it's not about you..." she paused for a while. "... it's about Daniel..."

"... as you can see puro mabababa ang mga nakukuha niyang scores sa test at sa mga quizzes.... including the projects and assignments...." nagnod ako. Totoo naman kasi e madalang ko lang siyang nakitang pumasok sa on time.

"... and there's a big possibility na maging repeater siya next year..." paliwanag sakin ni Mrs. Tervor.

"...pero... hindi po ba dapat siya mismo po yung kasusapin niyo tungkol dito??..." tanong ko. Eh, bakit nga ba kasi sakin sinasabi ni Mrs. Tervor hindi ko naman grades yon?

"... that's the reason kung bakit kita pinapunta ngayon dito...."

 

Ano daw??

"... bakit po??...." naguguluhan na talaga ako ngayon.

"... in order to pass all the requirements ... he needs someone na tutulong sa kanya na gawin yon. Starting from doing assignments,  reviewing the lessons everyday that had been discuss to make sure na naiitindihan niyang mabuti...." she explained.

"... you will be his personal tutor..."

 

-Yam

Heartstrings:The Deal [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora