Sinuntok ko siya nang marahan sa braso. Kala mo sa'kin? Patay na patay sayo sa simula palang? "Asa ka pa."



 Hindi nagtagal, inihinto ni Zak ang kotse sa isang peryang kumikinang dahil sa maraming naka-ilaw sa loob. Nangingibabaw ang mga liwanag dito dahil malapit 'nang mag-gabi. Maingay. Puno nang tawanan at nagtatakbuhan na mga bata. Madadama mo ang paghampas nang hangin sa maninipis mong balat.


 Perya pala ah. Paano naman niya nalaman ang lugar na tulad nito? Sa kinalakihan nila sigurado naman na hindi sila idadala ng mga magulang nila dito.



Napansin ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang lugar. Mukhang may binabalak siya na sigurado ay hindi gugustuhin nang mga kaibigan niya. At hindi nga ako nagkakamali..




 "Pucha. Naiihi ako," ani Van na kita ko ang pamumula ng maganda niyang kutis kahit madilim sa loob.


"Putang-i-na. Na-iwala ko ata si Babe! Nivs, Mawawarak na damit ko, sapakin mo nalang kapag may dumikit sayo!" ani Jigs.


 "Ay. Tangina. Hinahawakan mo din kaya damit ko! Paano 'ko masasapak!" ani Nivs.


 "Nakakadiri kayong tatlo, bitawan niyo nga damit ko! Fucking scared gays, Hands off!" rinig kong sigaw ni Jill




Kung kanina, nag-uunahan sila sa pagpasok ngayon naman ay hindi magka-mayaw na makalabas sa horror house. Gusto ko silang kalmahin kaso kahit ako, nagugulat sa mga bigla nalang lumalabas.



Malapit na ang undas kaya uso ang mga katatakutan at isa na doon ang horror house. Na siya namang pinasukan namin. Pasimuno 'tong kasabay ko sa paglalakad. Libre niya daw lahat basta 'ba walang aangal sa mga papasukan niya. At ayun na nga, kumagat naman sila.



"Wala na 'bang mas tatakot pa diyan?" aniya sabay pasada ng tingin sa kamay kong nakahawak sa dulo ng itim na v-neck tshirt niya.


 Nawala nanaman pala ako sa huwisto. Ngayon ko lang napansin kaya huminto ako at bumitaw agad pero maagap niyang hinawakan ang kamay ko at inilagay ulit sa damit niya. Tinuloy niya ang paglalakad na para 'bang nasa parke lang kami. 'Na parang kami lang dalawa.



"That's really scary." Aniya ulit, saglit siyang sumulyap sa'kin at ibinalik ulit ang tingin sa dinadaanan namin.


Kahit sobrang ingay na nang paligid namin dahil sa mga sigaw, mura ng mga taong nagtatakbuhan sa takot at tulakan. Naririnig ko parin ang boses niya at ang munting tili ng puso ko.



"Ang bumitaw ka sa'kin at ipagpatuloy ang buhay mo nang wala ako sa tabi mo. Iniisip ko palang.. natatakot na 'ko."

My Baby is a Gangster!Where stories live. Discover now