Chapter 1 -- I am DEW ❤

42 15 0
                                    

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

 DEW POV 

"Hoy pangit! Nasaan na ang heels ko?" sigaw sakin ni Sheena.

"Andyan na po sa baba ng bed nyo." mahinahong sabi ko.  sya si sheena, pinsan ko. mas matanda sya sakin ng dalawang taon. ganyan talaga yan, masyadong sweet kaya pangit o kaya bobo ang tawag sakin.

"Anong sabi mo PANGIT? Sinasagot mo na ako ngayon. Wala ako sa kwarto ko diba? Kunin mo BOBO!" hay, malalate nako nito e. kinuha ko na para hindi na tumagal at  makaalis na ako agad.

"Eto na po Sheena o, pasensya ka na po. Malalate na po kasi ako. Sige po bye, una na po ko, kung may iuutos ka pa po mamaya nalang po ha." paalam ko sakanya, aalis na sana ako kaso bigla syang nagsalita ulit.

"Anong Sheena ka jan? Ms. Sheena, FYI. Ano naman kung malate ka? Mas importante ka ba kesa sakin? Ikaw pa talaga unang aalis ng bahay, sabi na sayo na ako muna aalis bago ikaw di ba? Napakabobo talaga pangit!" sigaw nya ulit, sabay walkout. hay, wala na late na talaga ako nito. buti sya nakakotse samantalang ako maglalakad pa.

Ako nga pala si Denise Ea Wisha Seo. DEW ang nickname ko. Isang ulila. Nakikitira ako kila Sheena. Bata palang ako ng iwan ako ng daddy ko kila Sheena. Malaki ang utang naloob ko sakanila sa pagkopkop sakin kahit ganun ang trato nila sakin. Sa Love Bridge University ako nagaaral, isa sa pinakamahal na school dito sa bansa. Mga napakayaman lang ang nakakapasok. Paano ako nakapasok? Isa akong full scholar, may allowance sa books, travel, and food. Kaso kinuha ng tita ko, bayad ko daw sa ilang taon ko na pagtira sa kanila kaya ito ako ngayon lakad mode, buti nalang naglaba ako sa kapitbahay kahapon kaya may pera  pa ako. :))))))))

Im taking up Accountancy, para sa bangko ako makapagtrabaho. Gusto ko din makita ang mga magulang ko, kung buhay pa sila. Gusto ko maranasan na mahalin, yun lang ang iniisip ko lagi kaya nagaaral talaga ako mabuti. Ni singko wala pa akong nakukuha sa tita ko, sa public lang ako nagaaral nung elementary, nagprivate ako nung highschool. Kumukuha lang ako lagi ng scholarships.

Mahirap maging ulila. Wala kang kakampi, wala kang masandalan. Yung mga taong akala mo magiging lakas ng loob mo ay sila pa yung nagdodown sayo. Lalaitin ka, hindi pamilya ang tingin nila sakin, kaya hindi nila ako mahal. Sa kilos palang alam mo na. Isang katulog man ang tuwing nila sakin kahit ganun, mahal ko sila. Inalagaan naman nila ako e hindi lang halata.

Ang diary lang ang aking kaibigan, my one nd only true friend. :) 

Ang kwento ko ay mala cinderella, inaapi pero hindi ko kapatid si sheena. Sa iisang univeristy lang kami nagaaral. Same year lang kami, since nagrerepeat sya. Actually, mas maganda ako sakanya. Hehe! Shhhhhh. Joke lang, baka sabunutan nya ako ulit. HAHAHAHA! 

Ito ang simpleng buhay ko, magbabago pa kaya?

Gaya ng sa fairytale, may prinsepe din kaya na ililigtas ako.

Gaya sa mga teleserye, may happy ending din kaya ako?

Gaya ng mga kaklase kong may magulang, meron din kaya ako.

Gaya ng mga normal na istudyante, magkaroon din kaya ako ng kaybigan?

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Ako si  DEW.      

at      

"Change is the only constant"

Chapter 1 \\\ Ends here.

~ Thank you for reading :)))

Votes&&Comments are welcome.

            -- twinssy ❤

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Out of Reach ❤  O N G O i N G  S E R i E SWhere stories live. Discover now