K meets D

54.7K 451 55
                                    

Heartstrings: Chapter 1

© Copyright 2013 All Rights Reserved 

"...get one and pass....You only have 30minutes to finish answering all that questions..." pinasa na sakin yung testpaper.

Tinignan ko muna kung ano yung mga nakasulat at nilipat sa kabilang page. 

"... sabi ko na nga ba e.... madali lang to..." bulong ko.

Sinagutan ko na agad yung mga questions bago pa magtime.

Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo, 15yrs. old 3rd yr. student. I'm proud to say na namamaintain ko na magkaroon good grades since I was pre-elem. Actually I graduated as a valedictorian when I was in grade 6 that's why maraming school ang nagoffer kay mama ng scholarship pero nagdecide na magstay na lang ako dito. Ang may-ari kasi nitong school e yung tumulong samin nung walang wala na kami. Sila din yung nagpapaaral sakin kaya hindi na masydaong namromroblema si mama sa tuition fees.

Nanggaling ako sa isang broken family. Iniwan kami ni papa nung 6yrs. old pa lang ako kaya kami na lang ni mama ang magkasama sa bahay. Natatandaan ko pa yung mga nangyari noon. Nakita ko na lang si mama na umiiyak sa kwarto habang si papa naman nagiimpake ng damit. Akala ko nga aalis na naman si papa at pupuntang ibang bansa para magtrabaho pero nung sinabi sakin ni mama yung tunay na dahilan...

...na may iba nang pamilya kaya iiwan na niya kami...

"... times up!! pass your testpapers..." 

Kanina pa nga ako naghihintay na magtime I think mga 10minutes na din. Pinasa ko na yung testpaper ko sa harap.

Maya-maya may biglag pumasok ng pinto at lahat kami napatingin sa kanya.

"...daniel, where have you been?!? and how many times I have to tell you na dapat nandito kana sa classroom before my class starts?!?..." galit na sabi ni Mrs. Tervor pero tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad na para bang walang narinig hanggang makarating sa likod at umupo sa vacant seat. 

 

"... daniel are you listening?!?.."

Natahimik ang lahat ng narinig namin sumigaw na si Mrs. Tervor. Lahat kami nakatingin lang sa kanya pulang pula na yung mukha niya na parang sasabog na sa sobrang galit. Walang nagdare na gumalaw dahil once na nakita na namin siyang nagalit damay na kaming lahat.

KKRRRIINNGGGGG!!!!....

 

Nagsitayuan na ang lahat at nagmamadaling lumabas ng classroom. Kahit hindi pa sinasabi ni Mrs. Tervor na pwede na kaming magbreak. Kinuha ko na yung bag at mga books ko may kailangan pa kasi akong i-research sa library next week na kasi yung pasahan...

--------------------------------------------------

Hay, salamat makakaalis na din.

Nakakaboring naman kasing mag-aral.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng bigla ko na namang narinig yung pangalan ko. 

"...Daniel, come here we need to talk... " sabi ni Mrs. T stands for Mrs. Terror although hindi naman ako takot sa kanya. Sadyang bagay lang talaga sa kanya yung pangalan na yon. 

Heartstrings:The Deal [Completed]Where stories live. Discover now