Tumakbo si Minhee at Seungmin palapit sakin tapos niyakap ako. Umiiyak sila parehas.

' Palagi silang malamya at parehas ayaw kumain simula nung nabalitaan nilang wala na si Joshua. Hindi ko naman sila masisi. Napamahal na sila dun sa tao '- sabi sakin ni Yuhee Unnie.

Nabaling ulit yung atensyon ko dun sa dalawang umiiyak kaya hinagod ko yung likod nila.

' K-Kasama na po ba ni Papa God si Joshua hyung ? '- tanong sakin ni Seungmin.

Pinunasan ko yung luha sa pisngi nya.

' Oo Seungmin at alam kong masaya si Joshua kung nasaan man sya '- sabi ko.

' U-Unnie bakit po kailangang k-kuhanin agad ni Papa God si Joshua O-Oppa ? '- umiiyak na tanong sakin ni Minhee.

Hinawi ko yung buhok nya.

' Ganun talaga Minhee eh. Alam mo naman yung Joshua Oppa mo masyadong banal kaya ayun, kinuha na ni Papa God '- sabi ko nalang.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang nangyari. Masyado pa silang bata at ayokong malungkot sila ng sobra gaya ko.

May kumulbit sakin at nagulat ako pagkalingon ko.

Niyakap ko agad silang apat at naiyak na naman.

' Nakakaalala ka na Noona ? '- tanong sakin ni Doyoon.

Tumango ako habang nagpupunas ng luha.

' Nakakatawa no Noona ? Sa ganitong pagkakataon pa tayo magkikita-kita ulit '- sabi ni Mingming tapos pinilit nyang tumawa.

Kung malungkot ako dahil sa nangyari, alam kong mas malungkot sila. Mas madami silang pinagsamahan at mas matagal na silang magkakakilala.

' Anong pakiramdam mo ngayon Noona ? '- tanong sakin ni Samuel.

' Ang sakit parin talaga. Hindi ako sanay na wala sila sa tabi ko eh lalong-lalo na si Joshua '- sabi ko.

' Nandito pa naman kami Noona .. '

Lumingon ako dun sa nagsalita at nakita ko si Mingyu na tulak-tulak si Seungcheol sa wheelchair.

May bandage si Mingyu sa braso at .. may artificial leg na si Seungcheol.

Niyakap ko silang dalawa.

' Maayos na ba ang lagay mo Mingyu ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya ng pilit.

' Medyo ayos na din Noona kaso ang hirap gumalaw dahil dito sa bali ko at .. hindi ako sanay na wala si Wonwoo hyung '- sabi nya.

Napabuntong hininga ako.

' Hi Noona '- sabi sakin ni Seungcheol.

Ngumiti ako at ginulo yung buhok nya.

' Pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na talaga dahil sa wheelchair na to '- sabi nya habang tumatawa ng pilit.

' Anong sabi ng doktor sayo ? '- tanong ko.

' Sabi nya medyo matagal-tagal pa daw bago ako makapag lakad ulit. Pakiramdam ko tuloy magiging pabigat ako .. '- nakayukong sabi nya.

Hinawakan ko yung balikat nya.

' Wag mong isipin yan Seungcheol. Hindi mo naman ginusto na maputulan ng paa eh. Tsaka kahit kailan, hinding-hindi ka magiging pabigat samin '- sabi ko.

Ngumiti sya.

' Ayos ka na ? '- tanong ko.

' Medyo. Mas magiging ayos nga lang siguro kung kasama ko si Jeonghan ngayon .. '- sabi nya.

MILK / seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon