Pumara agad ako ng taxi at saka nagpahatid sa sinabing condominium.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

I was so nostalgic when I finally saw the building where Santi and I used to live. I felt my tears streaming down my face when the taxi stopped at the front of the lobby. Iyong pakiramdam na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Nagbayad ako sa driver saka bumaba ng sasakyan. Hindi pa rin ako makapaniwala na narito ako sa harapan ng gusali kung saan sa harapan din nito ako nangako noon na hinding-hindi na ako babalik.

Nagsimula akong maglakad papasok. Parang nakikita ko pa si Santi at ako na magkahawak ang kamay habang naglalakad sa hallway.

Isang simpleng Kara na punong-puno ng pag-ibig ang mga mata habang nakatingin sa lalaking mahal na mahal niya. Isang vulnerable na babae na nakadepende sa lalaking nangakong hinding-hindi siya papabayaan.

My heart was beating fast when I reached the front of his door. Itinipa ko ang pass code na sinabi ni kuya Cloud at ilang segundo lang ay bumukas na ang pinto ng unit.

Madilim ang sala niyon at nangangamoy alak.

"Santi?" Sa nakabukas na at nakita ko ang nakahandusay na bulto ng malaking tao.

In-ON ko agad ang ilaw at natiyak ko ngang si Santi ang naroon. Nakahubad siya at tanging boxers lamang ang suot habang nakadapa at nakasubsob ang mukha sa carpet. Sa tabi niya ay ilang basyo ng alak at ilang upos ng sigarilyo.

Kaya pala bigla siyang nawala dahil nilulunod nya na ang sarili niya sa alak?

"Santi!" Napaluhod ako sa harapan niya at inuga-uga ko siya. "Wake up! Ano bang ginagawa mo?!" Awang-awa ako nang makita ko ang paghihirap sa mukha niya.

Dumilat ang namumungay niyang mga mata at saka siya umungol.

"Santi!"

His eyes widened when he recognized me.

"Umayos ka nga diyan!" Itinulak ko siya patihaya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Kara?" Kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya.

One of my brows curved up. "May inaasahan ka pa bang iba?"

"W-wala..." para naming nahimasmasan na siya at bigla siyang napaupo habang sapo-sapo ang kanyang ulo.

"Wala pala, eh." I helped him get up. "Don ka sa kama."

I went to his kitchen para kumuha ng plangganang may tubig pagkatapos ay bumalik ako sa kuwarto niya para maghanap ng bimpo. Inilapag ko iyon sa katabing mesa ng kama at saka ko siya sinenyasang mahiga.

I sat on the edge of the bed. "Bakit ka di ka na nagpapakita?" I asked him.

Matagal bago siya nakasagot. Ramdam ko ang init ng tingin niya sa akin.

"Bigla kang nawala. I thought you will chase after me." Binuntunan ko ng pekeng tawa ang pasaring ko sa kanya. It wasn't a joke actually. I mean it. "Bigla kang nawala... ang bilis mong napagod..."

Wala pa rin siyang sinasabi. Pinunasan ko ang leeg niya ng bimpo pati na rin ang mukha niya pero nakatitig lang siya sa akin. Isinunod kong punasan ang kanyang mga balikat at mga braso pababa sa kanyang tiyan.

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at dalhin iyon sa kanyang mga labi. "Totoo bang naririto ka ngayon?"

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at saka ko siya inirapan. "Hindi. Imagination mo lang ako."

"Sabi ko na nga ba..." Lumungkot ang mga mata niya.

"Oo nga, imagination mo lang ako." Naiinis ng sabi ko.

Someone ForbiddenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin