240 20 37
                                    

Cher père / Dear Papa
Para sa sarili ko at sa iilan kong kaibigan.
And of course to my Hero.










Dear Papa,

Napakarami kong gustong sabihin sa iyo simula noong nawala ka pero ito na muna sa ngayon. 'Kamusta ka?' Alam kong hindi ka sasagot kasi hindi mo naman alam ito. Natatandaan mo pa ba ang mga panahong nagmamahalan pa kayo ni Mama? Sa palagay ko'y hindi na. Eh kaming mga anak mo natatandaan mo pa po ba? Ako itong bunso mo, naaalala mo pa ba? Marahil ay hindi narin dahil nakasama na ako sa mga alikabok na lumipad papunta sa malayo. Na kailanman ay hindi na muling ipapadpad ng hangin papunta sayo,

Napakarami nang nagbago, malaki na ako Papa. Siguro pag nagkita tayo ulit hindi na ako makakasakay sa binti at paa mo kasi hindi mo na kaya. Lalo pa't nalaman ko na naistroke ka daw. Sa lahat ng gusto kong malamang balita tungkol sayo bakit yun pa? Wala akong magawa kundi hilingin nalang sa Diyos na sana okay ka. Alam mo ba, paminsan minsan sumasagi karin po sa isip ko? Kapag wala akong magawa, kapag wala akong kasama, kapag hindi ko na kaya. Isa pang balita mula sayo ang pilit kong inuunawa. Tatlo na raw kasi ang anak mo sa bago mong asawa, hindi mo ba naiisip si Mama? Kahit wag nalang kaming mga anak mo ang isipin mo, kahit si Mama nalang. Pero wala naman akong magagawa' matagal nang naputol ang lubid na nagtatali sa inyong dalawa, at alam kong hindi kayang idikit yun ng glue.

Ang pagkakaalam ko' sa tatlo mong anak, kamukha ko daw yung bunso mo. Hindi ko gustong umiyak pero kusang lumagpak ang mga luha ko nang malaman yun. Hindi sa ayaw ko o nagagalit ako, kundi dahil nagseselos ako. Nagseselos ako kasi miss na kita, nagseselos ako kasi sila na yung kasama mo hindi na kami, at higit sa lahat nagseselos ako kasi sya na yung tinatawag mong bunso hindi na ako. Sana naman huwag mong makita sa bagong bunso mong anak yung katangian ko. Maaaring kapatid ko rin sya, pero magkaiba kami nang nilabasan.

Napakaraming bagay rin ang gusto kong gawin kasama ka, pero mukhang sa isipan at imahinasyon ko na lamang natin magagawa. Gusto kong muling maranasang makasakay sa motor mo na ikaw ang nagpapatakbo at ako lang ang angkas mo, tapos bibili tayo ng humburger tulad ng nakagisnan natin noon. Kaya narin siguro hindi na ako madalas bumili ng burger sa kanto kasi maaalala lang kita. Kasi ang unfair, naaalala kita kahit na alam kong hindi ka ganon sakin.

Napakaraming bagay na ang natutunan ko sa mga nagdaang panahon na wala ka. Natuto akong magpasalamat kay Mama, hindi magpasaway, at higit sa lahat ang umintindi. At lalong lalo na ang magpasalamat sa Diyos kahit wala ka na sa piling namin ay nabubuhay ka parin sa puso ko. At malaking bagay ang mga iyon sakin. Kailanman hindi ako nagtanim ng galit sayo Papa. Kahit na karapatan kong maghinanakit at magalit sayo hindi ko magawa. Mas malakas parin ang pagmamahal kesa sa pagkamuhi. Masasabi kong hindi ako marunong magtanim ng galit sa kapwa at lalo na sayo dahil isa iyon sa mahalagang bagay na pilit na isinilid ni Mama sa mga utak namin.

Alam mo bang kapag humaharap ako sa salamin nakikita ko ang sarili ko sayo? Kasi parehas tayo ng mata. Nakakatawa mang isipin pero iyon ang pinakagusto ko sa kabuuan ko. Nakakainis, lalo lang tuloy kitang namiss. Nasaan kana ba? Magkikita pa ba tayo? Okay ka lang ba? Kasi ako hindi, hindi na siguro kailanman. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na umasa kapag ikaw na ang pinaguusapan. Okay lang sakin na umasa hanggang sa lumaki ako makita ka lang.

Alam mo bang may sakit ako? Sakit na pwede kong ikamatay. Nakakatawa no? Ambata bata ko pa pero may sakit nako na pang matanda. Sa lahat ba naman ng pwede kong manahin bakit sakit pa ng angkan natin? Naku mali pala, sa angkan pala ni Mama. Halos kalahating buwan rin po ako sa hospital, at sa mga araw na yun hiniling ko na kunin na ko ni Lord. Yun ang mga panahon na hindi na ako makatayo o makagalaw manlang sa kama. Bawat galaw ko hindi kaya ng dibdib ko. Seryoso yun Papa, hiniling ko na sa Kanya na sana kunin na Nya ko, pero syempre namayani ang awa Nya at nakauwi parin ako sa bahay ng ayos. Mukhang ayos nanaman ako ngayon Pa kung nagaalala ka man. Natatandaan ko pa na binibisita ako ng boyfriend ko noon, tapos alam mo ang ginagawa ni Mama? Ayun nagagalit. Bakit ganun si Mama? Sabi nya okay lang naman daw na mag boyfriend wag lang pababayaan ang pagaaral atsaka dapat mabait yung lalaki. Pero ayos naman sya eh? Dibale, break nanaman kami. Wala kasing forever. At kayo ni Mama ang patunay. Aray ko masaket.

Cher pèreWhere stories live. Discover now